'Best ang mama ko': Ina tumakbong nakayapak maihabol lang ang baon ng anak | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Best ang mama ko': Ina tumakbong nakayapak maihabol lang ang baon ng anak

'Best ang mama ko': Ina tumakbong nakayapak maihabol lang ang baon ng anak

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA—Naantig ang puso ng netizens sa ibinahaging kuwento ng estudyanteng si Carmelo John Dela Cruz ukol sa ginawa ng kaniyang ina kamakailan.

Sa kaniyang viral Facebook post na nakakuha na ng 77,000 reactions at 16,000 shares, binigyang-pugay ni Dela Cruz ang kaniyang ina na sa pagnanais maihabol ang naiwan niyang baon ay tumakbo nang nakayapak sa kalsada.

Sabi ng estudyante, nakaligtaan niya ang baunan niya dahil nagmamadali siya upang makaiwas sa traffic.

"Laking gulat ko nalang na si mama tumatakbo sa overpass na dala 'yung baon kong ulam at di na nakapag tsinelas man lang dahil sa pag mamadali para lang di ako magutom sa school," sabi ni Dela Cruz.

ADVERTISEMENT

Ayon sa estudyante, malayo-layo ang tinakbo ng kaniyang ina na hindi ininda ang paglabas ng bahay na walang tsinelas maabutan lang ang anak.

"[I]magine ang layo ng tinakbo ni mama mula sa bahay namin hanggang sa sakayan. Share ko lang to kasi na-touch kasi 'yung puso ko sa ginawa ni mama."

Itinuturing ni Dela Cruz na "the best" ang kaniyang mama at proud daw siya dito.

"[K]ahit matigas yung ulo ko at palagi kaming di nagkakasundo nandun pa din 'yung love and care niya para sakin... [I'm] so proud na kahit ganyan si mama masasbi ko na the best ang mama ko. Love you, Ma, always," mensahe ng estudyante.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.