RECIPE: Ginisang upo with hibe | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

RECIPE: Ginisang upo with hibe

RECIPE: Ginisang upo with hibe

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Pinrito o gisadong ulam ang kadalasang inihahanda kapag nagmamadaling umalis ng bahay.

Sa mga ganitong sitwasyon ay maaari mong subukang magluto ng ginisang upo with hibe o tuyong hipon na bukod sa magaan sa bulsa ay masustansiya at madali pang lutuin.

Bumisita sa “Umagang Kay Ganda” nitong Martes ang guest kusinero na si Markus Patimo para ibahagi kung paano magluto ng ginisang upo with hibe.

Narito ang mga sangkap:

• Mantika
• Sibuyas
• Bawang
• Kamatis
• Patis
• Asin
• Paminta
• Hibe
• Upo

ADVERTISEMENT

Paraan ng pagluluto:

Sa mainit na mantika, igisa ang bawang, sibuyas, at kamatis.

Lagyan ng patis at lutuin nang isa hanggang dalawang minuto.

Ilagay ang upo at hintaying maluto.

Ilagay ang hibe at haluin.

Lagyan ng tubig at pakuluin.

Timplahan ng asin at paminta depende sa panlasa at lutuin nang 5 hanggang 6 minuto.

Maaari mo nang ihanda ang ginisang upo with hibe.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.