Bagong programa ng Jeepney TV sa Kumu, magbibigay-suporta sa maliliit na negosyo

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bagong programa ng Jeepney TV sa Kumu, magbibigay-suporta sa maliliit na negosyo

ABS-CBN News

Clipboard

Handout

MAYNILA -- Isang bagong shopping adventure ang magsisimula sa Pinoy live streaming app na Kumu ngayong Martes ng gabi.

Ang "Kumu-nity Bazaar" ay ang bagong programa ng Jeepney TV kung saan maaaring makipag-usap at bumili nang diretso ang mga manonood mula sa mga online seller na ibibida ang kanilang mga produkto gamit ang live stream.

Layunin ng programa na masuportahan ang mga maliliit na negosyo sa bansa na karamihan ay itinayo dahil sa kawalan ng magpagkakakitaan sa panahon ng novel coronavirus pandemic.

Magsisimula ang "Kumu-nity Bazaar" ngayong Oktrubre 6, alas-8 ng gabi tampok ang mga Kapamilya food seller na binubuo ng mga na-retrench na ABS-CBN workers.

ADVERTISEMENT

Pinili nilang mag-negosyo ng mga masasarap na pagkain para matustusan ang pangangailangan ng kani-kanilang pamilya matapos nilang mawalan ng trabaho bilang epekto ng pag-deny ng Kongreso sa franchise renewal ng ABS-CBN.

Sa loob ng dalawang oras, magpapakitang-gilas sila ng mga produkto -- mula sa food trays, ready-to-cook meals, at baked goods -- sa mga streamer na posible ring maging customer nila.

Sa mga susunod na linggo, itatampok sa "Kumu-nity Bazaar" ang mga nagtitinda ng mga gamit para sa work-from-home, mga de-kalidad na Pinoy-made beauty products, at mga health and wellness na mga produkto.

Ang programa ay bagong adisyon sa maraming digital offerings ng FYE Channel ng ABS-CBN sa Kumu na naghahatid ng entertainment, tutorials, makahulugang usapan, mga laro, at iba pa sa mga manonood gamit ang live stream.

Mapapanood ang mga susunod na episode ng "Kumu-nity Bazaar" sa Oktubre 13, 20, at 27, 8:30 ng gabi.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.