RECIPE: Lagat na tilapia | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

RECIPE: Lagat na tilapia

RECIPE: Lagat na tilapia

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Isa sa pinagmamalaking pagkain ng mga Kapampangan ang lagat na tilapia.

Sa Ingles, “stew” ang mas kilalang tawag sa lagat. Ginagamitan ito ng dahon ng alagaw at luyang dilaw o turmeric, na nagbibgay-lasa dito.

Para ituro kung paano lutuin ang lagat na isda, bumisita sa “Umagang Kay Ganda” ang guest kusinero na si Reggie Cano.

Narito ang mga sangkap:

• 1 pirasong tilapia
• 2 sibuyas na pula
• 4 cloves ng garlic
• 2/3 tasang suka
• 1/2 tasang tubig
• 1 tasang gata
• 3 kutsarang patis
• 1 kutsarang pamintang buo
• 1 pirasong dahon ng laurel
• 1 tasang dahon ng alagaw
• 1 pirasong fresh turmeric (luyang dilaw)
• 2 pirasong siling pansigang
• 1/4 tasang mantika
• 1 kutsarang asin

ADVERTISEMENT

Paraan ng pagluluto:

Linisin mabuti ang tilapia at hiwain sa tamang sukat. Timplahan ng asin at paminta.

Iprito nang bahagya ang tilapia hanggang mag-golden brown at itabi muna ito.

Sa parehong kawali, igisa ang bawang, sibuyas, turmeric, at laurel.

Ibalik ang isda at ilagay ang suka. Pakuluin ito nang mga 3 hanggang 5 minuto. Huwag takpan o haluin, hayaan maluto ang suka.

Idagdag ang tubig at pakuluin, pag kumulo idagdag ang gata, timplahan ng patis, at pakuluin nang 5 minuto.

Idagdag ang siling haba at dahon ng alagaw at pakuluin hanggang sa ito ay maluto.

Maaari nang ihain ang lagat na tilapia.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.