VIRAL: Anime sketches ng arkitekto para mapawi ang pagod niya | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

VIRAL: Anime sketches ng arkitekto para mapawi ang pagod niya

VIRAL: Anime sketches ng arkitekto para mapawi ang pagod niya

ABS-CBN News

Clipboard

Larawan mula kay Raymond Emano Pajo

MAYNILA — Para mapawi ang pagod matapos ang trabaho, ginuhit ng arkitektong si Raymond Emano Pajo ang ilan sa mga tanyag na anime caharcters sa bansa.

Kuwento ni Pajo, 26, nagsimula siyang iguhit ang mga karakter nitong Setyembre 12 at ginagawa ang art work tuwing gabi.

Aniya, hindi niya inaasahan na magba-viral ang kanyang likha na natapos niya nitong Linggo.

"September 12, 2020, nag-start ako illustrating this art work as my stress reliever. As I'm only doing this every night after work and before going to sleep, it took me one week to finish the entire artwork," sinabi ni Pajo sa ABS-CBN News nitong Martes.

ADVERTISEMENT

"Di ko in-expect na magba-viral siya pero masaya ako na marami akong napasaya at naalala ang simpleng buhay ng kabataan. Mas na-inspire ako na ipagpatuloy ko pa rin ang pagdo-drawing kahit na nasa architecture field na 'ko," dagdag pa niya.

Ayon sa arkitekto mula sa Dasmariñas, Cavite, libangan niya lang ang pagguhit at malaki ang naging tulong nito para mawala ang stress niya sa gitna ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

"Nakakapagbigay siya ng positive vibes lalo na sa pinagdadaanan ng bansa natin ngayon. Nakakalimutan ang mga negativities and pagka-bored sa bahay. Nai-inspire ko rin 'yung mga kasama sa bahay na gumuhit at magpahinga muna sa mga gadgets," ani Pajo.

"Hobby ko po ang pagdo-drawing. Ginagawa ko siya to relieve my stress and then, naisip ko na pagsama-samahin ko na lang in one art work 'yung mga childhood animes," dagdag pa niya.

Inspirasyon ni Pajo ang art work ng kanyang mga kapatid at nais din niya itong gawing inspirasyon ng kanyang pamangkin.

"Nakikita ko din kasi 'yung art work ng ate at kuya ko. Gusto ko rin gumawa ng mas magandang version at gawing sample para naman ma-inspire 'yung pamangkin ko."

--Ulat ni Josiah Antonio, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.