Mag-ina gumagawa ng sariling laruan gamit ang napupulot na kahoy | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mag-ina gumagawa ng sariling laruan gamit ang napupulot na kahoy

Mag-ina gumagawa ng sariling laruan gamit ang napupulot na kahoy

Bryan Reyes,

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 13, 2020 12:59 AM PHT

Clipboard

"Sadyang walang mukha ang manika para malaya rin ang imahinasyon ng bata na isipin kung masaya ba ang manika, malungkot, inaantok, gutom.” Meila Romero-Payawal

Mga laruang-prutas na may lamang kapok. Meila Romero-Payawal

“Ang mga kabibe ay mula sa mga kinain naming halaan at ang iba ay napulot sa dagat sa Pangasinan,” ani Payawal. Meila Romero-Payawal

Laruang gawa sa kahoy. Meila Romero-Payawal

Laruang gawa sa kahoy. Meila Romero-Payawal

Laruang gawa sa kahoy. Meila Romero-Payawal

Laruang gawa sa kahoy. Meila Romero-Payawal

Nakagawian ni Meila Romero-Payawal at kaniyang anak na mag-nature walk at mamulot ng mga kahoy, na ginagamit nila sa paggawa ng mga laruan.

Kuwento ni Meila, anak pa niya mismo ang nagsasabing gumawa na lang ng sariling laruan tuwing may nakukursunadahang laruang-plastic. Bukod sa nakatitipid na sila, ang mga laruang-kahoy ay wala aniyang banta sa kalusugan at kapaligiran.

“Kapag nakakakita kami sa mga tindahan ng mga laruan (lalo na kung plastic), at nagustuhan niya, nakakatuwa na bigla niyang babawiin ng, ‘’Nay, alam ko na, gawa na lang tayo sa bahay!’”

Gumagamit din sila ng mga sirang bahagi ng lumang laruan at iba pang lumang gamit sa kanilang bahay. Nakagamit na rin sila ng kapok panlaman sa manika, bukod pa sa kabibe.

ADVERTISEMENT

“Naging magandang karanasan din sa aming anak ang makita niyang pinaghihirapang gawin ang mga laruan, na may mahabang proseso ang lahat, na ang mga bagay ay hindi nariyan na agad kapag hiniling,” dagdag ng ina.

Ani Meila, dahil pinaghihirapan ang pagkikinis at paglilok ng kahoy, mas nagkakaroon ng halaga ang bawat nabubuong laruan. Magandang bagay rin aniya na nasasanay ang anak sa pagiging malikhain.

Bata pa lang si Meila ay gumagawa na siya ng sarili niyang laruan at nadala niya ito hanggang sa magkaroon ng sariling anak.

Ngayon, guro siya sa Sisidlan Institute, isang school-community na sumusunod sa Steiner-Waldorf principle, isang “child-centered” at holistic na paraan ng pag-aaral. Anila, nakakamit ito sa pamamagitan ng "healing education" sa tulong ng musika, sining, kultura, at ugnayan sa kalikasan.

“Ang Sisidlan, Filipino culture, at Steiner education po kasi ay ang anchor kung bakit ako nagsimulang lumikha ng mga kahoy na laruan, at kung bakit rin ganito ang paraan ng pagpapalaki sa aming anak,” ayon kay Meila.

Natatangi ang paaralan dahil ang sistema ng tuition dito ay “Ambagan” lalo’t may mga bata silang sinusuportahan sa pinansiyal na paraan.

"‘Ambagan sa Sisidlan’ is a contribution and honesty system wherein everyone genuinely shares both monetary and non-monetary efforts to support and sustain the school-community… We give each other the freedom to choose how to contribute: monetary and non-monetary (resources, materials, connections, time, skills, etc.),” ayon sa institute.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.