KILALANIN: 74 anyos sikat sa pag-stream ng MLBB | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

KILALANIN: 74 anyos sikat sa pag-stream ng MLBB

KILALANIN: 74 anyos sikat sa pag-stream ng MLBB

AC Coloma,

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 09, 2023 12:43 PM PHT

Clipboard

Tampok sa social media 74 anyos na streamer na si Carmen Taqueban o mas kilala bilang si
Tampok sa social media 74 anyos na streamer na si Carmen Taqueban o mas kilala bilang si "Lola Gaming." Courtesy: MPL Philippines

MAYNILA -- 'Di hamak na madalas ay kabataan ang nahuhumaling sa paglalaro ng mobile games, gaya na lang ng Mobile Legends: Bang Bang na isang sikat na gaming title sa Pilipinas.

Pero pinatunayan ng isang 74 anyos na lola na hindi hadlang ang edad para malibang sa paglalaro ng video games.

Siya si Carmen Taqueban, o mas kilala bilang si Lola Gaming, na ngayon ay may 145,000 followers sa Facebook.

Kuwento ni Taqueban na nagsimula siya ng ML:BB dahil sa kaniyang apo.

ADVERTISEMENT

"Nagsimula ako noong pandemic at nakita ko yung kabataan, laging nagpo-focus sa paglalaro. Sabi ko 'bakit lagi kayo nakaupo diyan?' at di na tumutulong sa bahay," pagbabahagi ni Taqueban sa media sa pagbubukas ng MPL Season 12 sa Makati.

Hangga't sa nasubukan niya sa gitna ng stream ng kaniyang apo, at sinabing tumaas ang views niya.

"Hindi ko nga alam kung tama ang mga pinipindot ko eh," aniya.

"Masaya ako, na miski may edad ka na may mapagaano ka ng time na masaya ka, iba talaga ang dating eh. Sinasabi ko nga sa [kapwa matanda] o, mag-ML din kayo."

Aminado siya na maraming oras ang ginugol niya sa paglalaro at minsa'y umaabot na sa 8 oras ang paglalaro niya kada araw.

ADVERTISEMENT

"Ako na nga pinagsasabihan ng mga apo ko," pabiro niyang sinabi.

Dahil sa pagsi-stream, naging miyembro na si Taqueban ng Amplify na hawak ng Tier One Entertainment, na gaming talent at esports organization na pagmamay-ari nina Alodia Gosiengfiao at Tryke Gutierrez.

Sa huli, may mensahe pa din siya sa mga kabataan na naglalaro.

"Ang pinaka-priority ay ang pagaaral sapagkat yan ang dadalhin niyo hangganag sa tumanda kayo," ani Taqueban.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.