Fast food chain crew sa Marikina, dumadalo sa kanyang online class tuwing break
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Fast food chain crew sa Marikina, dumadalo sa kanyang online class tuwing break
Josiah Antonio,
ABS-CBN News
Published Sep 07, 2020 07:48 PM PHT
|
Updated Sep 08, 2020 02:59 AM PHT

MAYNILA — Hindi hadlang para sa isang service crew ng isang fast food chain sa Marikina ang kanyang pagtatrabaho para makadalo sa kanyang online classes ngayong may coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Kwento ng 4th year Business Administration student ng Pamantasan ng Lungsod ng Marikina na si Jan Dominique Agravante, sinisikap niya na ang kanyang break time sa trabaho ay nakalaan para sa kanyang pagdalo sa online class.

Dagdag pa ng 21 anyos na estudyante, hindi niya akalaing magiging viral ang kanyang kwento at magsisilbing inspirasyon sa iba.

“That time po kasi, breaktime ko na po no’n. Then, may klase po 'ko ng 2pm to 4pm po no’n. And then, ‘yung ka-crew ko po na kasabayan ko mag-break, pinicturan po 'ko, the one na nasa post po. Tapos, ‘yung isang pic po, pinicturan naman po 'ko ng classmate ko po habang nag-o-online class po kami,” kuwento ni Agravante sa ABS-CBN News noong Sabado.

Aniya, tanging ang tatay niyang information technologist sa isang kompanya ang sumusustento sa kanilang pamilya. May dalawang kapatid si Agravante, na nasa Grade 1 at Grade 7.

"Its not enough pa rin po, ‘yung nabibigay ni Papa para sa panggastos po namin. Pero, imbes na magreklamo kami, ginagawan na lang po namin ng paraan para lang po may makain sa araw-araw po,” aniya.

Para kay Agravante, nagsisilbing inspirasyon para sa kanya ang kaniyang pamilya, pati na rin ang mga kasamahan niya sa pag-aaral at trabaho, para magpatuloy sa kabila ng hirap ng buhay.

“Sila Mama, Papa, tsaka mga kapatid ko po talaga. Sila po iniisip ko po lagi para kayanin po lahat ng ginagawa ko, with online class to work po,” ani Agravante.

“[Nagmo-motivate din po ang] mga kaibigan ko pong and’yan lagi, at mga ka-crew ko din po na nagbibigay suporta at gabay,” dagdag pa niya.

Hiling niya na makapagtapos na ng pag-aaral at siya naman sa hinaharap ang magtaguyod para sa pangangailangan ng kanyang pamilya.

“Ako naman ang aalalay sa kanila. Kahit mahirap, s’yempre, kakayanin ko po para sa kanila."

“Kayanin natin sa lahat ng makakaya natin. And’yan ang mga magulang natin na nakasuporta sa’tin lagi, and si Lord na lagi tayong ginagabayan araw-araw sa mga paghihirap natin.”

Read More:
Tagalog News
service crew
Jollibee
COVID-19
coronavirus
online learning
Marikina
distance learning
Pamantasan ng Lungsod ng Marikina
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT