PANOORIN: Pasilip sa ginagawang ‘Bagong Manila Zoo’ | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

PANOORIN: Pasilip sa ginagawang ‘Bagong Manila Zoo’

PANOORIN: Pasilip sa ginagawang ‘Bagong Manila Zoo’

Angela Baylon,

ABS-CBN News

Clipboard

Nag-inspeksyon sina Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan sa ginagawang
Nag-inspeksyon sina Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan sa ginagawang "Bagong Manila Zoo" nitong Biyernes, Setyembre 3, 2021. Screenshot from Isko Moreno Domagoso Facebook page live.

MANILA— Bumisita sina Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan sa Manila Zoo nitong Biyernes upang inspeksiyunin ang pagsasaayos at pagpapaganda sa nasabing pasyalan.

Sa Facebook livestream nitong Sabado, makikita ang naunang pagbisita ng mga opisyal. Inikot nila Domagoso at Lacuna ang zoo na puno ngayon ng mga scaffolding para sa mga pinapatayong bagong pasilidad.

Unang ibinida ni Domagoso ang ginagawang aviary para sa mga ibon na aniya ay magiging pinakamalaki sa buong bansa.

 Ginagawang aviary o kulungan ng mga ibon sa
Ginagawang aviary o kulungan ng mga ibon sa "Bagong Manila Zoo." Screenshot from Isko Moreno Domagoso Facebook page live

Pinuntahan din ng mga opisyal ang magiging bagong tahanan ni Mali, ang sikat na elepante ng Manila Zoo. Ayon kay Domagoso, isang swimming pool ang ipapatayo para sa elepante.

ADVERTISEMENT

Kasama sa plano para sa
Kasama sa plano para sa "Bagong Manila Zoo" ang pagsasaayos ng magiging bagong tahanan ng elepanteng si Mali. Screenshot from Isko Moreno Domagoso Facebook page live

Sa pahayag, sinabi ng alkalde na isa sa aabangan sa "Bagong Manila Zoo" ang mga golf cart na may pang-Safari na disenyo na bibilhin para sa mga mamamasyal nasenior citizens. Dagdag pa ni Domagoso, sinigurong hindi maaapektuhan ang mga puno sa rehabilitasyon ng lugar.

"Iniwasan natin ang pagputol ng puno. Natural lang, hindi natin ginalaw. Isinabay natin sa design," ani Domagoso.

Hulyo ng nakaraang taon nang simulan ang redevelopment project para sa ‘Bagong Manila Zoo’ kasabay ng ika-61 na anibersaryo ng pasyalan. Higit P7.1 bilyon ang pondong inilaan ng Maynila para sa proyektong ito.

Related video:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.