Paano maiiwasan ang alipunga? | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Paano maiiwasan ang alipunga?
Paano maiiwasan ang alipunga?
ABS-CBN News
Published Sep 02, 2018 04:25 PM PHT

Isa sa mga karaniwang idinadaing ng mga tao tuwing tag-ulan ang pagkakaroon ng alipunga o athlete's foot.

Nagbahagi ng payo nitong Linggo si Dr. Zharlah Flores sa programang "Salamat Dok" kung paano maiiwasan ang problemang ito

Aniya, tuwing nabababad ang mga paa sa basa ay dumadami ang fungus na nagiging dahilan kaya nagkakaroon ng alipunga.

"May normal flora naman talaga tayo. Normal flora siya, ang nangyayari lang, kapag dumami siya doon tayo nagkakaroon ng problema. Dumadami siya kapag moist 'yong area, very humid, tapos nabibigyan siya ng time to proliferate," anang doktora.

ADVERTISEMENT
Nagsisimula aniya ang alipunga sa pangangati hanggang sa mamula ang mga paa. Kalaunan, dahil sa tuloy-tuloy na pagkakamot ay magkakaroon ng tila mga kaliskis bago tuluyang kumalat ito sa buong paa.

"Nakikita siya unang-una talaga sa fourth or fifth na interdigital space, 'yong mga web spaces ng ating mga toes kasi diyan 'yong moist 'yong area tapos diyan lagi nata-trap lagi yung water," ani Flores.

"Lalo na kapag closed shoes ka, dark 'yong area diyan talaga lumalaki 'yong fungus," dagdag niya.

IWAS-ALIPUNGA
Para maiwasan ang alipunga, payo ng doktora na patuyuin nang maigi ang mga sapatos bago gamitin muli. Mas makabubuti rin aniya na may iba't ibang sapatos na puwedeng suotin.

"It is advisable na mayroon kang alternate na pair of shoes na magagamit mo para naman magkaroon ng time na matuyo 'yong mga pawis doon. 'Yong tubig o moist ng area mas maganda na pinapatuyo siya sa araw," ani Flores.

Maaari rin magsuot ng medyas na gawa sa cotton para ma-repel ang tubig.

Dahil sa nakahahawa ang alipunga, mas maganda aniya na magsuot ng tsinelas o sandal tuwing maglalakad sa mga pampublikong lugar lalo na sa paligid ng mga swimming pool.

"Hindi ka maglalakad nang barefooted sa public places kasi prone ka rin talaga magkaroon ng fungal infection doon. Lalo na nilakaran siya ng mga tao na may athlete's foot, tapos barefooted ka puwede ka talagang magkaroon kasi nakakahawa siya." saad ni Flores.

Ang mga taong madaling pagpawisan ang mga paa ay pinapayuhan na maglagay ng powder na sisipsip sa pawis.

GAMUTAN
Payo ng doktora, mas mainam na magpakonsulta sa mga dermatologist upang masuri nang mabuti at mabigyan ng nararapat na gamot.

"Dapat makita muna baka mamaya hindi pala siya fungal infection. Kasi maraming skin diseases na nagmi-mimic ng fungal infection sa paa," ani Flores.

Dagdag niya, kung sigurado na alipunga ay may anti-fungal remedy na puwedeng gawin sa bahay.

Puwedeng ibabad ang mga paa sa palanggana na mayroong kalahating tasa ng suka at dalawang tasa ng tubig sa loob ng 10 hanggang 15 minuto.