Rafflesia na pinakamalaking bulaklak sa buong mundo, namukadkad sa Davao de Oro | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Rafflesia na pinakamalaking bulaklak sa buong mundo, namukadkad sa Davao de Oro

ABS-CBN News
Published Sep 01, 2022 01:31 AM PHT

Namukadkad ang bulaklak na Rafflesia Magnifica sa Brgy. Mapawa sa bayan ng Maragusan, Davao de Oro Martes, Agosto 30.

Ayon sa Maragusan Tourism Development and Management Office, inaasahang mamumukadkad ang bihirang uri ng bulaklak sa buong linggo.

Isa pang Rafflesia ang maaaring makita sa susunod na linggo. Isa ang Mount Candalaga sa Maragusan sa may sightings ng Rafflesia.

Ang Rafflesia Magnifica ay isa sa pinakamalaking Rafflesia species na makikita sa Pilipinas at Southeast Asia habang ang bulaklak na Rafflesia ay pinakamalaking bulaklak naman sa buong mundo.

ADVERTISEMENT
Ang nasabing species ng Rafflesia ay endemic o makikita lamang sa rainforest ng Mindanao.

Namumukadkad ito ng lima hanggang pitong araw lamang. – Ulat ni Hernel Tocmo