Oriental Mindoro LGU nanawagang tangkilikin ang produktong Mangyan | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Oriental Mindoro LGU nanawagang tangkilikin ang produktong Mangyan

Oriental Mindoro LGU nanawagang tangkilikin ang produktong Mangyan

ABS-CBN News

Clipboard

Larawan mula sa Oriental Mindoro PIO.
Larawan mula sa Oriental Mindoro PIO.

Nanawagan ang lokal na pamahalaan ng Oriental Mindoro na bigyang-pansin ang mga gawang lokal na produkto ng mga katutubong Mangyan mula sa Barangay Paitan sa bayan ng Naujan.

Tampok dito ang mga produktong gawa tulad ng native sala set, nito plate, nito laundry basket, bag, duyan at iba pa na mula sa malikhaing kaisipan ng mga katutubo.

Sa ngayon, naka-display ang mga produkto sa ginagawang Naujan Central Business District o Grand Terminal/OTOP Center na matatagpuan sa Nautical Highway, Barangay Pinagsabangan II sa bayan ng Naujan.

Pero naghahanap pa rin ang Pamahalaang Bayan ng Naujan at Tanggapan ng Pambayang Turismo ng iba pang outlets para mapagdalhan ng mga produkto para i-display at higit na makatulong sa mga katutubo

ADVERTISEMENT

Bahagi ito ng pag-alalay ng Pamahalaang Bayan sa mga katutubo na mas linangin pa nila ang kanilang kakayahan at matumbasan ito ng sapat na halaga na magsisilbing isa lamang sa kanilang pangunahing paraan ng pagkakakitaan.

- Ulat ni Noel Alamar

KAUGNAY NA ULAT:

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.