Imbis na bulaklak: Gulay, palamuti sa kasal sa Benguet | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Imbis na bulaklak: Gulay, palamuti sa kasal sa Benguet

Imbis na bulaklak: Gulay, palamuti sa kasal sa Benguet

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 28, 2019 08:02 PM PHT

Clipboard

Sa halip na bulaklak, mga gulay ang ginawang palamuti sa kasal nina Freann at Claver Molot sa La Trinidad, Benguet. Photo courtesy of Freann at Claver Molot

Sa halip na bulaklak, mga gulay ang ginawang palamuti sa isang kasal sa La Trinidad, Benguet.

Viral sa social media ang mga retrato ng bagong-kasal na sina Freann at Claver Molot na gumamit ng kinalakihan nilang taniman ng gulay sa kasal nila sa San Jose Parish Church sa Benguet noong Hulyo 7.

Mga wombok at repolyo ang kanilang ginamit na dekorasyon sa simbahan.

Ayon kay Freann, naging ideya ito ng kaniyang tita lalo't mas mataas ang presyo ng bulaklak.

ADVERTISEMENT

Watch more in iWantv or TFC.tv

"Mas mahal actually 'yung bulaklak noong kasal namin. Mas mababa 'yun gulay, 'yun na rin kasi ung idea ever since planning pa ng wedding namin," aniya.

Aabot sa 100 kilo ng repolyo at 100 kilo ng wombok ang kanilang nagamit.

Ipinamahagi rin nila sa kanilang bisita ang mga gulay pagkatapos ng kasal.

Bukod sa pagtitipid, may mas malalim na sinisimbolo ang paggamit ng gulay, ayon sa mga elder sa Benguet.

"It signifies prosperity, peace and happiness. That is usually the tradition of Ibaloi people. Once there is a marriage everybody brings something to eat. It is a culture that if you give something green, it's peace and happiness," ayon sa elder na si Leopoldo Lamsis.

Plano rin ng kaanak ng bagong-kasal na ulitin ang paggamit ng gulay sa mga susunod pang kasal ng kanilang angkan. -- Ulat ni Mae Cornes, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.