Mag-asawang kulang sa 'taas', taas-noo naman sa kanilang pag-iibigan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mag-asawang kulang sa 'taas', taas-noo naman sa kanilang pag-iibigan

Mag-asawang kulang sa 'taas', taas-noo naman sa kanilang pag-iibigan

ABS-CBN News

Clipboard

Hindi man pinalad sa 'taas' o height, umaapaw naman ang pagmamahalan ng mag-asawang walang pakialam sa sasabihin ng iba, basta ang mahalaga'y masaya silang pamilya.

Sa "ASAP L.S.S." ni Jolina Magdangal nitong Linggo, Agosto 27, ibinahagi ng mag-asawang Innocencio at Josie Matias ang kuwento ng kanilang pag-iibigan.

Sumibol ang pagmamahalan nina Innocencio at Josie Matias sa isang bar sa Maynila kung saan sila dating nagtatrabaho.

Kuwento ni Josie, "Tinutukso-tukso kami ng mga kasamahan ko sa trabaho. Habang tumatagal, lahat ng problema niya sinasabi niya sa akin, parang nade-develop ako".

ADVERTISEMENT

Sampung taon pa nagtagal ang ligawan ng dalawa bago tuluyang sinagot ni Josie si Innocencio.

Tulad ng ibang mag-asawa, dumaan din sa pagsubok ang kanilang relasyon dahil sa hindi pagkakasunduan.

"Nagkaroon kami ng problema gawa sa bisyo niya. Palagi ko siyang sinasabihan na [kung] hindi siya magbago, maghihiwalay kami. Pinakinggan naman niya 'ko. Tumigil siya sa pag-iinom," ani Josie.

Para naman kay Innocencio, "Sumang-ayon ako sa kagustuhan niya kaya nakinig ako sa kanya. At salamat naman at nagkasundo kami para sa anak ko at para sa aming pamilya".

Sa ngayon, masaya pa ring nagsasama ang dalawa sa loob ng 25 taon at mayroon na silang tatlong supling.

ADVERTISEMENT

Nahirapan man silang makahanap ng trabaho dahil sa kanilang height, naitatawid pa rin nila ang mga pangangailangan ng kanilang mga anak.

"Medyo nahirapan kami maghanap ng trabaho kasi yung height namin, hindi tumatanggap (ang mga kompanya) nang basta-basta," ani Innocencio.

Nakapagtapos na ang kanilang dalawang anak sa pag-aaral sa pamamagitan ng pagtitinda at pagiging 'parking boy' ng kanilang padre de pamilya.

"Hindi ko iniintindi ang kutya ng ibang tao kasi hindi naman sila nakatutulong, basta mahalaga sa akin, nairaraos ko ang mga anak ko pang-araw-araw," ani Josie.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.