Paano makaiiwas sa malaria? | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Paano makaiiwas sa malaria?

Paano makaiiwas sa malaria?

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 25, 2017 08:36 AM PHT

Clipboard

Kahit bumaba na ang bilang ng mga naitatalang kaso ng malaria sa Pilipinas ay nagpapatuloy pa rin ang kampanya ng Department of Health (DOH) sa pagsugpo sa sakit.

Kahit na naideklara nang "malaria-free" ang isang lugar, dapat daw na tuloy-tuloy pa ring pagsumikapan na hindi na mangyayari ang 'reintroduction' o pag-ulit ng mga kaso ng malaria.

Ayon kay Dr. Rhodora Cruz, regional malaria coordinator ng DOH, 36 sa 80 probinsiya sa Pilipinas ay deklarado nang malaria-free. Sa Oktubre ay may lima pang daragdag.

"A total of 41 malaria-free (provinces) so may 40 na lang po tayong hinahabol," ani Cruz.

ADVERTISEMENT

Pero paano nga ba maiiwasan ang sakit na ito?

Pag-iwas sa kagat ng lamok

Sa programang 'Good Vibes' sa DZMM, tinalakay ni Cruz ang mga puwedeng gawin upang maiwasan ang kagat ng lamok na may dalang malaria.

Kung ang pupuntahang lugar ay may malaria, lalo na sa may mga mataas na kaso ng sakit, pinayuhan ni Cruz na dapat ay magkaroon ng 'self-protection' sa pamamagitan ng 'nets' o kulambo o 'di kaya nama'y gumamit ng 'long-lasting insecticide treated nets' upang hindi makapasok ang mga lamok habang natutulog. Aniya, hindi lang ito nagsisilbing isang physical barrier kundi isa rin itong chemical barrier.

Nilinaw din ni Cruz na magkaiba ang lamok na nagdadala ng dengue at ang lamok na nagdadala ng malaria.

"Ang malaria po, ang may dalang lamok niyan ay anopheles mosquito habang sa dengue naman ay aides mosquito," ani Cruz.

ADVERTISEMENT

Ipinaliwanag niya na sa gabi kumakagat ang mga lamok na may dalang malaria, habang sa umaga naman ang mga lamok na may dengue.

Maaari ring gumamit, aniya, ng insect repellant na puwedeng ilagay sa balat lalo na kung pupunta sa mga kabundukan. Paliwanag ni Cruz, "Dito po sa NCR wala po tayong naitatalang kaso ng malaria. Dahil ang malaria is, sabi nga nila, 'when the road ends, malaria begins', it's not a city mosquito kasi."

Puwede ring gumamit ng spatial repellant katulad ng mosquito coil bilang panaboy sa mga lamok.

Kung pupunta naman sa isang endemic area, aniya, mga 2-3 araw bago pumunta ay inirerekomendang uminom ng 100 milligrams ng doxycycline.

"Before going to an endemic area, 2-3 days bago ka pumunta magte-take ka na ng 100 milligrams ng doxycycline. Then, every day na nandoon ka and four weeks after. So for example, umalis ka ngayon, August, three days before pagpunta mo then kunwari one month ka do'n, one month kang iinom araw-araw. Then pagbalik mo... one month pa ulit kasi four weeks," dagdag niya.

ADVERTISEMENT

Sintomas ng malaria

Kapag mayroong 'exposure' sa isang endemic area, ani Cruz, pag-uwi ay dapat na bantayan ang sarili o ang kamag-anak kung magkakaroon siya ng mga pangunahing sintomas ng malaria kagaya ng:

1. mataas na lagnat (high fever);
2. matinding pagpapawis (sweating); at
3. panginginig (chills).

May mga ibang kaso rin aniya na ang taong may malaria ay nakararanas ng pananakit ng ulo at pananakit ng tiyan.

Kung sakaling makaramdam ng mga sintomas na kagaya ng nabanggit, dapat pumunta agad sa pinakamalapit na health center sa inyong lugar.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.