'Happy Jail': Dancing inmates ng Cebu bida sa Netflix docu-series | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Happy Jail': Dancing inmates ng Cebu bida sa Netflix docu-series

ABS-CBN News
Published Aug 23, 2019 08:12 PM PHT

Pang-Hollywood na ang tinaguriang "Cebu dancing inmates" dahil tampok ang mga kuwento nila sa Netflix documentary-series na "Happy Jail."

Matatandaang noong 2007 ay sumikat sa buong mundo ang viral video ng mga bilanggo ng Cebu nang sayawin nila ang hit song na "Thriller" ni Michael Jackson.
Sa Happy Jail ay ipinapakita ang buhay sa likod ng mga ngiti ng mga preso na nasa Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center (CPDRC).

Mula ito sa Emmy-award winner Filipina director na si Michele Josue. Layunin daw niya na maipakita ang pagiging matatag at masayahin ng mga Pinoy sa kabila ng hirap sa buhay.

"I think I was slightly aware of what was happening in the Philippines, the need for prison reform, and the reform of the justice system. But being there, getting to know them as real people, as human beings, I really connected with that issue on a deep human level," rebelasyon ni Josue.

ADVERTISEMENT
Dumalo sa Los Angeles, California premiere night ng Happy Jail ang isa sa mga subjects ng palabas na si Marco Toral, ang dating CPDRC consultant.

Binigyan ni Toral ng full access sa CPDRC ang filmmakers dahil gusto daw niyang mamulat ang mga Pilipino sa bagal at minsan ay kawalan ng hustisya sa bansa.
Tatlong taon din ang binilang bago nakumpleto ang shooting ng 5-part series.
Mapapanood na ngayon sa Netflix ang Happy Jail.

--Ulat ni Yong Chavez, ABS-CBN News
--Ulat ni Yong Chavez, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT