Tumatagal ba ang pagkakaibigang nabuo sa social media? | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Tumatagal ba ang pagkakaibigang nabuo sa social media?

Tumatagal ba ang pagkakaibigang nabuo sa social media?

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 22, 2019 11:20 AM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Sa paglawak ng gamit ng Facebook at iba pang mga social media apps, hindi na maiwasan ang pakikipagkaibigan online, na kadalasan ay minamaliit lang ng marami.

Pero ayon sa life coach na si Henry Barcelona, maaari namang lumalim ang pagkakaibigan na nabuo sa social media kung ipapakita nila sa isa't isa ang tunay nilang pagkatao.

"Kung authentic ka at sincere ka... lumalalim ang friendship. So kahit sa Messenger iyan o sa virtual, puwedeng lumalim 'yung pakikipagkaibigan," ani Barcelona sa "Sakto" nitong Huwebes.

Para kay Barcelona, "nag-evolve" na ang paraan ng pakikipagkaibigan dahil sa social media. Gayunpaman, mas lumalalim daw ang samahan kung nakikipag-usap nang harapan.

ADVERTISEMENT

"Di ba 'pag magkaharap tayo nararamdaman mo 'yung warmth at 'yung non-verbal interaction? So 'yon siguro ang nakikita kong disadvantage [sa pagkakaibigan sa social media]," ani Barcelona.

Aniya, hindi dapat ituring na "mababang uri" ang pagkakaibigang nabuo sa social media.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.