RECIPE: Chicken Piyanggang | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lifestyle

RECIPE: Chicken Piyanggang

RECIPE: Chicken Piyanggang

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Patok sa mga taga-Mindanao ang putaheng chicken piyanggang.

Bukod sa masustansiya, halal-friendly pa ito kaya't maaari ring kainin ng mga kapatid na Muslim na nagdiwang ng Eid al-Adha.

Bumisita sa Umagang Kay Ganda nitong Miyerkoles ang guest kusinerong si Rolando “Chef Lau” Laudico para ibahagi kung paano magluto ng chicken piyanggang.

Narito ang sangkap ng chicken piyanggang:

• Manok (laman)
• 100 grams niyog (susunugin)
• Sarsa
• 100 ml gata
• Sibuyas na pula
• 50 grams tanglad
• 30 grams luya
• 15 grams luyang dilaw
• 15 grams bawang
• 30 grams wansoy
• 5 grams dahon ng sibuyas
• 50 grams siling berde
• 15 grams mantika
• Asin
• Patis
• Pamintang durog
• Pinagpakuluan ng buto ng manok

ADVERTISEMENT

Paraan ng pagluluto

Para sa manok:

Pagsama-samahin ang sinunog na niyog, sibuyas, bawang, tanglad, luya, luyang dilaw, bawang, asin, at paminta.

Dikdikin hanggang madurog nang pino para maging paste

Ipahid ang kalahati ng paste sa manok at ibabad nang 4 na oras o hanggang magdamag.

Ihawin o prituhin ang binabad na manok.

Lagyan ng sarsa at saka ihain.

Paggawa ng sarsa:

Igisa ang kalahati ng natirang paste

Idagdag ang gata, sabaw ng manok, patis, at pakuluin nang 10 minuto.

Lagyan ng kakang gata at pakuluin nang 10 minuto o hanggang sa lumapot.

Idagdag ang inihaw o piniritong manok.

Lagyan ng sariwang wansoy.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.