PatrolPH

TINGNAN: Ang mga Ivatan ng Batanes sa gitna ng pandemya

Harris Julio, ABS-CBN News

Posted at Aug 21 2020 04:22 AM

Sa gitna ng patuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19 sa bansa, ang mga Ivatan ng Batanes ay tuloy pa rin sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay.

Sa larawan na kuha ni Opal Bala, makikitang tuloy ang buhay sa Batanes na hanggang sa ngayon, ay nananatili pa rin na walang kaso ng COVID-19.

 

Ayon kay Batanes Gov. Marilou Cayco, mahigpit ang pagpapatupad nila ng mga patakaran lalo sa pag-uwi ng mga locally stranded individuals at returning OFWs.

Kinumpirma ng gobernador na mahigit P500 milyon na ang nalulugi sa kanila matapos na isara ang turismo ng probinsya.

Pero aniya, mas mahalaga ngayon ang kalusugan at buhay ng mga residente kumpara sa ekonomiya na maaaring hanapan ng paaran para muling mapalago.

Saad ni Cayco, kasado na ang iba't ibang ayuda at programa para sa mga nawalan ng trabaho at apektado ang negosyo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.