Alaala ni Gina Lopez nananatiling buhay 1 taon matapos ang pagpanaw, ayon sa mga kaanak | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Alaala ni Gina Lopez nananatiling buhay 1 taon matapos ang pagpanaw, ayon sa mga kaanak

Alaala ni Gina Lopez nananatiling buhay 1 taon matapos ang pagpanaw, ayon sa mga kaanak

Abner Mercado,

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 21, 2020 11:10 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - Naniniwala ang pamilya ni dating ABS-CBN Foundation Gina Lopez na naging makabuluhan at buhay ang kaniyang alaala sa mga iniwang programa para sa kapwa, isang taon matapos ang kaniyang pagpanaw.

Nabanggit nila ito sa isang virtual mass bilang paggunita sa unang taon ng pagpanaw ni Lopez, na namatay Agosto 19, 2019. Dinaluhan ito ng kaniyang mga mahal sa buhay at mga kawani ng ABS-CBN Foundation.

Inalala ng kapatid ni Gina na si Ernie Lopez at maybahay nitong si Michelle Arville ang mga huling sandali ni Gina.

Kuwento nila na kahit iginupo nito ng sakit, naging matatag at masayahin pa rin ito.

ADVERTISEMENT

"I met Gina when she was already sick. In the hospital even with her sickness and her illness she was very brave. She put a lot of life, light in all the people that she met whether nurses," ani Arville.

"I think hindi siya bumitaw sa paniniwala niya na gagaling siya siguro sa dulo na lang naisip niya aalis na siya kasi masakit na hindi na niya kaya yung sakit pero up to the very end may pag asa pa rin siya eh iniisip niya na gagaling pa rin siya," dagdag naman ni Ernie.

Kapwa nagpasalamat sina Ernie at Arville dahil si Gina umano ang naging daan sa kanilang pag-iibigan.

"She played cupid and then she didn’t think of herself parang she’s so selfless. And even in pain she was thinking of you pa rin, thinking of others," ani Arville.

Para naman kay Berta Lopez Feliciano, kahit nangungulila sa kapatid ang nagpapasaya ay ang dangal na iniwan ni Gina.

"I don’t feel sayang because I feel that her legacy lives on. For other people who may have not met her, would still find the same feeling of wanting to do good for the environment for their people it may not be in the Philippines it may be in another country but it’s the same thing. It resonates that feeling of wanting to help others,” ani Feliciano.

Nagbigay din ng kuwento ang kuya ni Gina na si ABS-CBN Chairman Emeritus Eugenio Gabby Lopez II at ang ina nitong si Conchita Taylor.

"Gina’s energy it was unli. She do things that nobody else can do. She’s superwoman... My fondest memory of Gina she is a child we played hide and seek at 60 years old," ani Gabby.

Sa pagpasok ng 2020 ay pinangalan bilang Gina Lopez Building ang gusali ng ABS-CBN Foundation bilang pagkilala sa naging ambag ni Lopez sa institusyon.

Napuno man ng mga hamon ang taon dahil sa pandemya at pagkait sa ABS-CBN Franchise ay higit na hamon na maipagpatuloy ang mga naipunlang programa ni Gina.

Itinuring ni Paul Mercado ng ABS-CBN Foundation na pangalawang ina si Gina, kaya para siyang dalawang beses namatayan ng ina.

“Kung ikaw nagbago ang buhay mo ipasa mo sa iba yung nagawa sayo ni Gina Lopez. That way hindi matatapos yung GL path that genuine Love is,” ani Mercado.

Idinaan naman sa isang awit nina Michelle at Ernie ang kanilang pagpugay para kay Gina sa isa sa mga paborito nitong kanta.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.