Pabalik-balik na singaw, maaaring sintomas ng HIV | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pabalik-balik na singaw, maaaring sintomas ng HIV

ABS-CBN News
Published Aug 21, 2017 01:56 AM PHT
|
Updated Aug 21, 2017 02:48 PM PHT

Ayon kay Dr. Bles Salvador, maaring sintomas ng human immunodeficiency virus (HIV) ang pabalik-balik na singaw.

Sa "Dra. Bles @ Serbis" sa DZMM, ipinaliwanag ni Salvador ang iba't ibang dahilan kung bakit nagkakaroon ng pabalik-balik na singaw ang isang tao.

Isa sa mga pangunahing sanhi ng singaw ay impeksiyon na maaring dala ng hindi madalas na pagpapalit ng sepilyo.

"Kapag ganyan dapat parating nagpapalit ng toothbrush... Ang singaw kasi considered infection 'yan," paliwanag ni Salvador.

Mainam na palitan ang sepilyo kada buwan o kaya kada tatlong buwan.

Makabubuti umano ang madalas na pagpapalit ng sepilyo upang mabawasan ang pagkalat ng impeksiyon.

"Kung 'yung mismong toothbrush, 'pag iniwan niya sa lalagyan ng toothbrush, halimbawa sa bathroom, baka masyadong maraming molds doon sa area. Nabababad siguro ang toothbrush o masyadong na-expose," ani Salvador.

Kung malala na umano ang pagkakaroon ng singaw, maari itong sintomas ng HIV.

"Sa mga malala, panay singaw singaw na ganyan na hindi nawawala, ang tinitingnan po ay HIV, 'yung nagli-lead sa AIDS," ani Salvador.

Payo ni Salvador, maaring lagyan ng asin at baking soda ang tubig na ipangmumumog para mabawasan ang singaw.

Makakatulong rin ang pagpapahid ng tawas o mga gamot na gel para gumaling ang mga singaw sa bibig.

Mainam rin na kumunsulta sa dentista para sa kaukulang lunas sa singaw.