ASEAN Food Festival idinaos sa Pilipinas | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lifestyle

ASEAN Food Festival idinaos sa Pilipinas

ASEAN Food Festival idinaos sa Pilipinas

Annalyn 'Apol' Mabini | TFC News

Clipboard

MANILA - Ipinagdiwang ang anibersaryo ng ASEAN sa pamamagitan ng ASEAN Food Festival na idinaos sa Pilipinas sa pangunguna ng ASEAN Ladies Foundation, Inc. o ALF.

ASEAN
ASEAN Food Festival

Tampok sa food fest ang mga katangi-tanging putahe mula sa ASEAN member countries. Sa bawat booth ng mga embahada ng member countries, mga signature dishes ang kanilang alok sa mga bisita.

Ilan sa mga nasabing putahe ang nasi lemak at fried prawn mee hoon ng Brunei; spring rolls at pho noodles ng Vietnam; mohinga rice noodles ng Myanmar; pad Thai, mango sticky rice, at Thai milk tea; Hainanese chicken rice at roasted chicken rice ng Singapore; ang traditional “tempeh” mula Indonesia; Laksa Sarawak at curry puffs ng Malaysia; at Pieng Gai, Lao grilled chicken, at Khao Soi ng Laos.

Mayroon ding Funhan Mart na nag-alok ng Korean street food tulad ng tornado potato, so-tteok-so-tteok at Korean fried chicken.

ADVERTISEMENT

Hindi nagpahuli ang Pilipinas na naghanda ng mga popular na Pinoy comfort food tulad ng arrozcaldo, fresh lumpiang ubod, at empanaditas na may kasamang guinumis.

Nagkaroon din ng pagtatanghal ng makukulay na cultural performances mula sa Pilipinas, Indonesia, Malaysia, at South Korea.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.