RECIPE: Sinanglay ng Bicol

ABS-CBN News

Posted at Aug 15 2018 04:04 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Isa sa paboritong ulamin ng mga taga-Bicol ang putaheng sinanglay, isang tilapia dish na niluto sa gata.

Sa pagbisita ni chef Roldan Angustia sa Umagang Kay Ganda nitong Miyerkoles, ibinahagi niya kung paano lutuin ang sinanglay. 

Ayon sa guest kusinero, maaari ring gamitin ang pla-pla imbes na tilapia para sa putahe. 

 Ihanda lamang ang mga sumusunod na sangkap: 

• Tilapia 
• Sibuyas na puti 
• Kamatis 
• Siling haba 
• Mantika 
• Bawang 
• Luya 
• Chicken broth 
• Pamintang durog
• Gata ng niyog
• Bagoong alamang 
• Pechay Tagalog

Paraan ng pagluluto: 

Linisin at ihanda ang tilapia. Biyakin sa gitna, linisin muli, tapos palamanan ng sibuyas na puti, kamatis, at siling haba.

Igisa sa mantika ang sibuyas, bawang, kamatis, at luya.

Ibuhos ang tubig, chicken broth, at pamintang durog.

Kapag kumulo na ang sabaw, ilagay ang tilapia na may palaman.

Kapag malapit na maluto ang tilapia, ilagay ang gata ng niyog

Ilagay ang bagoong alamang, siling haba, at pechay Tagalog.

Maaari nang ihanda ang sinanglay.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.