ANCOP Global Walk 2016, ilulunsad | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ANCOP Global Walk 2016, ilulunsad

ANCOP Global Walk 2016, ilulunsad

Neima Chowdhury,

ABS-CBN News

Clipboard

Maglulunsad ng ANCOP Global Walk ang Couples for Christ (CFC) sa Linggo, Agosto 14.

Layon nitong tulungang makapag-aral ang mga kabataang nangangailangan.

"Ito pong ANCOP Global Walk ay isang fund-raising event na ginagawa taun-taon para po makalikom ng pera para sa pag-aaral ng mas mga mahihirap na kabataan," paliwanag ng pangulo ng CFC-ANCOP Global Foundation na si Jimmy Ilagan.

Ang ANCOP Global Walk ay gaganapin sa SM Mall of Asia Grounds at magsisimula ng ika-4 ng umaga.

ADVERTISEMENT

Halagang P300 ang bayad upang makasali rito, na gagamitin sa pagpapaaral ng mga scholar ng ANCOP Global Walk.

Pahayag pa ng events head ng ANCOP Global Walk 2016 na si Mike Bukuhan, nakatakdang sumama sa paglalakad si Vice President Leni Robredo.

Bukod sa SM MOA, gaganapin din sa ibang bahagi ng Pilipinas at 20 iba pang bansa ang ANCOP Global Walk.

Mayroon ng 2,000 scholar sa ilalim ng ANCOP Global Walk at ngayong taon, nilalayon nila na magdagdag pa ng 400 kabataang pag-aaralin.

Mensahe ni Ilagan sa publiko, "sana po maraming maging bagong mukha ng pag-asa para sa mga kabataang mahihirap."

Maaaring tumawag o mag-text sa 09151184552 at 421-0368 para sa karagdagang impormasyon.

Ang ANCOP Global Walk ay kabahagi rin ng scholarship program ng DZMM na Eduk-Aksyon.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.