Pag-uukit, planong isama sa curriculum ng mga estudyante sa Pampanga | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pag-uukit, planong isama sa curriculum ng mga estudyante sa Pampanga

Pag-uukit, planong isama sa curriculum ng mga estudyante sa Pampanga

Gracie Rutao,

ABS-CBN News

Clipboard

GUAGUA, Pampanga - Nais ng ilang lokal na wood carvers na maisama ang pag-uukit sa curriculum ng mga mag-aaral sa Pampanga para hindi tuluyang mamatay ang industriya ng wood carving at sculpting sa lalawigan.

Isa si Paquito Cayanan sa mga matagal nang nag-uukit ng kahoy sa distrito ng Betis sa Guagua.

Kinse anyos pa lamang si Cayanan, paet at pamukpok na ang hawak niya.

Lahat halos ng residente sa kanilang barangay, marunong maglilok.

ADVERTISEMENT

Ngunit dahil sa modernisasyon, kakaunti na umano ang mga kabataang nagkakainteres sa pag-uukit at paglililok.

Sa pangunguna ng ilang kilalang wood carver sa Betis at isang mall sa San Fernando City, inanyayahan ang ilang senior high school students na lumahok sa isang workshop.

Plano ngayon ng lokal na pamahalaan na isama na ang wood-carving at sculpting sa curriculum ng mga estudyante.

Ayon kay Guagua Mayor Dante Torres, makakatulong sa mga estudyante ang pag-aaral ng wood carving at sculpting para maaari silang magsimula ng negosyo kung gugustuhin nila.

Makakatulong rin ito para hindi mamatay ang industriya ng pag-uukit at paglililok sa bayan.

“Walang masyadong program eh... walang masyadong program para i-maintain nga ito, although meron na kami yung mga competitions pero kailangan meron talagang isang agency ng gobyerno na tututok dito talaga na full time kami," paliwanag ni Willy Layug, Presidential Merit Awardee for Liturgical Arts.

Plano ng mga organizers na gawing regular ang ganitong mga libreng workshop para mas makaenganyo ng mas maraming kabataan na pasukin ang wood carving at sculpting industry.

Tuwing Disyembre nagkakaroon din ng Dukit Festival o wood carving competition sa bayan na sinasalihan ng mga kalahok mula sa iba't ibang lalawigan.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.