ALAMIN: Paano magtanim ng gulay sa maliit na bahay? | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Paano magtanim ng gulay sa maliit na bahay?

ABS-CBN News
Published Jul 29, 2017 07:35 PM PHT

Gulay ang madalas na ipinaaalalang isama sa pang-araw-araw na diyeta ng isang tao upang manatiling malakas at malusog. Subalit, minsa'y tumataas din ang presyo nito o di kaya ay wala nito sa palengke.

Isang paraan upang makatipid at agad na makakuha nito ay ang mismong pagtatanim ng gulay sa sariling bakuran.

Kung nakatira naman sa isang maliit na espasyo, maaari namang magtanim ng gulay kahit pa sa isang ginupit na bote ng softdrinks na maaaring isabit sa pader, o sa mga sirang gamit sa bahay gaya ng takip ng inidoro.

Ayon kay Dir. Luz Taposok ng Agricultural Training Institute (ATI), halos lahat ng klase ng gulay ay kayang itanim, kahit pa sa isang maliit na lalagyan. Ito ang tinatawag na 'container gardening'.

"Hindi po problema ang espasyo. Any space, maliit man ang espasyo, puwede nating taniman ng gulay," aniya.

Simulan ito sa pamamagitan ng paghahanda ng lupang ilalagay sa maliit na lalagyan.

Haluin ang isang parteng lupa, isang parteng organic fertilizer, at isang parteng ipa o saw dust.

Kung ayaw gumastos para sa organic fertilizer, maaaring gumamit ng pinatuyong dumi ng hayop.

Siguraduhin namang magkakapareho ng dami ang paghahalu-haluing lupa, pataba, at ipa o sawdust. Sapat na ang isang talampakang inihandang hinalong lupa upang pagtaniman.

Kapag handa na ang lupa, saka ibaon dito ang binhi ng gulay na nais patubuin.

Ilan sa mga gulay na mabilis kung tumubo ay iyong madadahon gaya ng letsugas at petchay. Mabilis ding makita ang resulta ng kamatis, radish, at carrots.

Maaari namang makakuha ng libreng buto sa ATI sa Department of Agriculture o sa Bureau of Land Industry.

Kung nais magtanim ng luya, pumili ng luyang may limang 'mata'. Mas mabilis umanong tumubo ang luyang may mas maraming 'mata'. Ibaon lamang ito sa inihandang lupa.

Kung bawang naman ang gustong itanim, maaaring hintaying tumubo ang butil nito habang nakaimbak sa refrigerator. Kapag lumabas na ang butil, ilagay na ang bawang sa inihandang lupa.

Maaari naman munang gamitin ang dahon ng sibuyas, bago itanim ang mismong ulo nito. Siguraduhin lamang na mayroon pa itong natitirang ugat.

Matapos ibaon sa lupa ang buto o ang ulo ng gulay, ilagay ito sa isang bahagi ng bahay kung saan makatatanggap ito ng sapat na liwanag mula sa araw. Huwag itong ilagay kung saan direkta itong maaarawan.

Puwede rin itong takpan ng trapal o plastic upang maprotektahan mula sa insekto at matinding buhos ng ulan.

Siguraduhin ding laging basa ang lupa, ngunit huwag itong lunurin sa tubig.

Kung mainit ang panahon, dalasan ang pagtatanim pagdidilig sa halaman. Diligan ito sa umaga, at bandang alas-3 ng hapon.

Payo ni Dir. Taposok, eskstrang pagmamahal at pag-aalaga ang sekreto upang manatiling buhay ang halaman at makapagbunga ito ng marami.