Paghahanda ang pinakamainam na sandata para makaiwas sa peligro ngayong panahon ng tag-ulan.
Sa programang 'Red Alert', ibinigay ang ilang paghahanda na maaaring gawin upang masiguro ang kaligtasan.
Makatutulong na ugaliing maging updated sa ulat-panahon sa pamamagitan ng TV, radio at internet.
Dapat ding alamin kung madalas bahain ang inyong lugar para mapag-usapan ng pamilya ang gagawing paglikas sakaling magkaroon ng bagyo.
Bago tumama ang bagyo, mainam na suriin kung may kailangang ayusin o kumpunihin sa inyong tahanan. Ipuwesto sa matataas na parte ng bahay ang appliances para hindi masira ng tubig-baha. Takpan din ang saksakan o outlet para hindi abutin ng tubig.
Mainam din ang paghahanda ng emergency go-bag na maaaring dalhin sakaling kailangang lumikas o mawalan ng kuryente sa kalagitnaan ng bagyo.
Narito ang listahan ng mga nilalaman ng isang go-bag:
- Pagkain na de lata at may easy open tab
- Tubig
- Signaling kit (flashlight na may baterya, at pito)
- Kandila
- Hygiene kit (sabon, toothpaste, shampoo, etc.)
- Importanteng dokumento tulad ng birth certificate, ID at iba pa na ilalagay sa isang waterproof na lalagyan
- Powerbank
- Battery-powered radio
Ipuwesto lang ang go-bag sa isang lugar na madaling kuhanin sakaling kailangang lumikas nang mabilisan.
Para sa karagdagang tips, sundan ang Red Alert sa Facebook page (www.facebook.com/RedAlertABSCBN) at Twitter account (@abscbnredalert).
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Red Alert, tag-ulan, kaligtasan, Tagalog news, PatrolPH, emergency go-bag, tips, baha