Higit 40 litsong baboy tampok sa pista sa Iloilo | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Higit 40 litsong baboy tampok sa pista sa Iloilo

Higit 40 litsong baboy tampok sa pista sa Iloilo

ABS-CBN News

Clipboard

Retrato mula kay Balasan Vice Mayor Manuel
Retrato mula kay Balasan Vice Mayor Manuel 'Toto' Ganzon

Higit 40 litsong baboy ang inihaw at kinain ng mga nakilahok sa "Lechon Festival" sa bayan ng Balasan, Iloilo.

Hinilera sa kalsada nitong Biyernes ang mga litson at pinaikot sa nagbabagang uling, bago nilantakan ng daan-daang bisita sa isang boodle fight.

Bilang pag-iingat laban sa COVID-19, kinailangang magpakita ng vaccination card ng mga nakikain.

Ayon lokal na pamahalaan ng Balasan, ang litsong baboy ay kasama na sa kultura ng mga residente at kadalasang inihahanda sa hapag kapag may mga pagdiriwang tulad ng pista at birthday.

ADVERTISEMENT

Walang banta ng African swine flu ang naitatala sa Western Visayas, ayon sa regional Department of Agriculture.

— Ulat ni Rolen Escaniel

MULA SA ARCHIVE

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.