'Flying doctor' hinangaan sa kaniyang 2 propesyon | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Flying doctor' hinangaan sa kaniyang 2 propesyon

'Flying doctor' hinangaan sa kaniyang 2 propesyon

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 21, 2020 04:15 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Marami ang humanga sa isang Pilipino dahil sa 2 nitong propesyon bilang piloto at doktor, na pareho niyang ginagampanan para tumugon sa coronavirus pandemic (COVID-19).

Pinagsasabay ng binansagang "Filipino flying doctor" na si Erwin Abueva ang kaniyang papel bilang doktor sa emergency room at pilotong sumusundo sa mga overseas Filipino worker sa ibang bansa.

Ayon kay Abueva, na kasalukuyang naninirahan sa Parañaque, pangarap niya talaga noong bata siya na maging piloto.

"However, gustuhin ko man maging piloto, alam naman natin na medyo may kamahalan ang tuition sa pag-aaral ng piloto," kuwento ni Abueva sa panayam ng "Good Vibes" ng "Teleradyo."

ADVERTISEMENT

Bigo man noong una na maabot ang pangarap na maging piloto, nagtapos naman si Abueva ng medisina sa University of the Philippines-Manila.

Taong 2005 nang magsimulang magdoktor si Abueva pero noong 2014 ay tinuloy niya ang kaniyang pangarap at nag-aral ng aviation.

Aminado naman si Abueva na may pangamba siya sa parehong propesyon pero sumusunod naman umano siya sa safety protocols.

"Medyo worried lang kasi we are following naman the safety protocols, kumpleto naman tayo sa [personal protective equipment]," aniya.

Mensahe naman ni Abueva sa mga taong may pangarap: "Huwag po tayong magle-let go."

"Maaaring hindi lang iyon agad binigay ng Diyos sa atin pero kapag tayo'y determinado, kung may kakayahan naman tayo, subukan natin. Huwag natin iisipin na hindi natin kaya," dagdag niya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.