PatrolPH

RECIPE: Chicken Sopas

ABS-CBN News

Posted at Jul 18 2018 01:22 PM

Watch more on iWantTFC

Malamig pa rin ang panahon at malakas ang buhos ng ulan kaya't mainam na kumain ng mainit-init at masustansiyang chicken sopas.

Bumisita sa "Umagang Kay Ganda" nitong Miyerkoles ang guest kusinera na si Lyn Sabiniano para ibahagi kung paano magluto ng masarap na sopas. 

Ito ang mga sangkap sa chicken sopas:

• 1/4 manok 
• Mantikilya 
• 1/4 macaroni noodles 
• 1 tangkay ng kintsay 
• 1 pirasong carrot 
• Sibuyas
• Bawang
• 1 maliit na lata ng evap milk 
• Chicken broth (pinaglagaan ng manok)
• 1/2 kutsaritang paminta 
• 1 kutsaritang asin 
• 2 piraso ng hotdog 
• 1 piraso ng repolyo 

Paraan ng pagluluto: 

Mag painit ng mantikilya sa kaserola at maggisa ng sibuyas at bawang.

Ilagay ang manok at isangkutsa. Lagyan ng chicken broth o ang pinaglagaan ng manok at pakuluin.

Kapag kumulo na ay tsaka ilalagay ang macaroni noodles tapos isunod ang carrots at ang hotdog. 

Pagkatapos ay ilagay na ang kintsay, timplahan ng paminta, asin.

Lagyan ng gatas at ihain.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.