Di 'Pooh'-wede: Winnie the Pooh, bawal sa social media ng China | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Di 'Pooh'-wede: Winnie the Pooh, bawal sa social media ng China

ABS-CBN News
Published Jul 18, 2017 06:46 PM PHT

Naka-block sa social media ng China si 'Winnie the Pooh', isang cartoon character na oso sa mga palabas at librong pambata.

Hindi binanggit ng mga awtoridad ng China kung bakit bigla na lamang hindi na makita ang mga retrato at di na mabanggit ang pangalan ng cartoon character na ito sa internet.

Gayumpaman, ang pagbabawal na ito ay halos kasunod ng pagdami ng mga lumalabas na retrato ni Winnie the Pooh na ikinukumpara sa presidente ng China na si Xi Jinping.

A bear, however hard he tries, Falls foul of Chinese censors' eyes https://t.co/ToOCHHZT7I pic.twitter.com/8H9ITqIc1M
— Financial Times (@FT) July 16, 2017

Chinese Internet users FTW. #APEC2014 pic.twitter.com/6wFDvhlaNv
— Josh Chin 李肇华 (@joshchin) November 10, 2014

Ilan sa mga post na mayroong retrato at Chinese characters ng pangalan ni 'Winnie the Pooh' ay nakikita pa sa Weibo, isang social media platform ng China, noong Lunes.

Ngunit, kapag naglalagay ng komentong may 'Little Bear Winnie' - ang pangalan ni Pooh sa China - hindi pinapayagang magtuloy ang user dahil umano 'ilegal' ang komento niya.

Tinanggal na rin ang Winnie the Pooh stickers sa WeChat sticker gallery, pero puwede pa ring gamitin ang mga gif na gawa ng users na may imahen ng karakter.

Unang lumabas ang pagkukumpara kina Xi at Pooh noong 2013 nang umikot sa social media ang retrato nina Pooh at Tigger katabi ang retrato nina Xi at dating presidente ng Estados Unidos na si Barack Obama.

Sinundan naman ito noong 2014 ng retrato nina Xi at Japanese Prime Minister Shinzo Abe katabi ang retrato nina Pooh at kaibigan nitong donkey na si Eeyore.

Tinagurian namang 'China's most censored photo of the year' ng Global Risk Insights noong 2015 ang retrato ni Xi na nasa sasakyang pamparada, at na itinabi sa retrato ni Pooh na nasa laruang sasakyan.

Ayon kay Qiao Mu, isang eksperto sa mga usapin sa media, hindi na nakapagtataka ang pag-block kay Winnie the Pooh ng China dahil sensitibo ang komunistang partido ng bansa sa mga imaheng ipinakikita ukol sa kanilang pinuno.

"It's very murky what's allowed and what isn't, because officials never put out statements describing precisely what will be censored," ayon kay Qiao, propesor sa Beijing foreign studies, na nagsabing hindi pa rin malinaw kung alin talaga ang maaari at ipinagbabawal sa paglalagay ng retrato ni Winnie the Pooh sa internet sa China.

Sa kabilang banda, ipinagbawal din ang pagbanggit sa internet ng pagkaing pang-almusal ng China na 'baozi' dahil sa paglalaro sa pangalan nito bilang pagtukoy sa presidente. Ito ay nagiging 'steamed bun Xi', ani Qiao.

-- Ulat mula sa Agence France-Presse
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT