RECIPE: Kulawo ng San Pablo, Laguna | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

RECIPE: Kulawo ng San Pablo, Laguna

RECIPE: Kulawo ng San Pablo, Laguna

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Patok sa mga taga-San Pablo, Laguna ang Kulawo, isang putahe na gawa sa puso ng saging at gata.

Bumisita sa "Umagang Kay Ganda" ngayong Miyerkoles ang guest kusinera na si Theresa Empalmado para ibahagi kung paano magluto ng kulawo.

Narito ang mga sangkap:
• Puso ng saging
• Pinausukang gata
• Pulang sibuyas
• Suka
• Inihaw na liempo bilang toppings
• Asin
• Paminta

Paraan ng pagluluto:

Sunugin ang kinayod na niyog bago pigain.

ADVERTISEMENT

Balatan ang puso ng saging hanggang makuha ang pinakaubod bago gayatin.

Lamasin sa asin ang ginayat na puso ng saging hanggang mawala ang dagta. Hugasan at pigaing mabuti pagkatapos.

Pakuluan ang puso ng saging kasabay ng gata.

Haluing mabuti para hindi mamuo ang gata.

Ihalo ang ginayat na sibuyas, 3 kutsarang suka, asin, at paminta.

Maaari nang ihain ang kulawo.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.