Bakit mahalagang paglaruin ang mga bata sa labas ng bahay? | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bakit mahalagang paglaruin ang mga bata sa labas ng bahay?

ABS-CBN News
Published Jul 15, 2019 03:00 PM PHT
|
Updated Jul 15, 2019 03:32 PM PHT

Mahalagang maranasan ng mga bata ang paglalaro sa labas ng kanilang bahay dahil nakatutulong ito sa kanilang development o pagpapaunlad, ayon sa isang eksperto.

Sa paglalaro sa labas, napapaunlad ng mga bata ang kanilang kakayahang pisikal, emosyonal, mental, at sosyal, ayon sa clinical psychologist na si Beth Morales.

"May epekto ang paglalaro lalo na sa magandang development ng bata," ani Morales sa programang "Sakto" ng DZMM.

Pinuna ni Morales na maraming bata kasi ngayon ang naglalaro na lang ng mga gadget sa loob ng bahay sa halip na maglaro sa labas.

ADVERTISEMENT
"Kapag puro iPod o puro cellphone, hindi made-develop iyong bata," aniya.

Inihalimbawa pa ni Morales na ang batang hindi nakapaglaro sa labas ay hirap makitungo sa ibang tao sa pagtanda nito.

"Sanay lang sila kasi telepono lang o gadget lang," ani Morales.

"Ang bata 'pag nakikipaglaro sa ibang bata, doon niya nade-develop ang kaniyang social skills," dagdag niya.

Pero pinaalala rin ni Morales sa mga magulang na bantayang maigi ang mga bata.

Idinaing din ni Morales ang kakulangan ng mga playground at parke na maaaring paglaruan, at umapela sa mga lokal na opisyal na magpatayo ng mga nasabing espasyo.