RECIPE: Kusidong Isda | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

RECIPE: Kusidong Isda

RECIPE: Kusidong Isda

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Tuklasin ang kakaibang bersiyon ng maasim-asim at mainit-init na "sinigang" na isda ng Bicol na kung tawagin ay kusidong isda.

Ibinahagi sa "Umagang Kay Ganda" ng guest kusinera na si Armie Buita Carizo nitong Huwebes kung papaano lutuin ang naturang putahe.

Ihanda lamang ang mga sumusunod na sangkap:

• 1/4 kilong matambaka
• Luyang pinipit
• 2 pirasong kamatis na hiniwa sa dalawa
• Siling haba
• 1 sibuyas
• 5 butil ng bawang
• Balaw (alamang)
• 5 pirasong kalamansi
• 6 tasang tubig
• Talbos ng kamote
• Asin

Paraan ng pagluluto:

Hugasan at linisin ang matambaka. Itabi.

ADVERTISEMENT

Magpakulo ng isa't kalahating litro ng tubig.

Ilagay ang hiniwang sibuyas, kamatis, pinitpit na luya, at paminta. Pakuluin ito ng 2 minuto.

Ilagay ang isda at pakuluan nang 10-15 minuto.

Ilagay ang balaw, siling haba, at talbos ng kamote.

Makalipas ng 1 minuto ay ilagay ang katas ng kalamansi. Takpan.

Matapos nito ay maaari nang ihain ang kusidong isda.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.