Recipe: Suam na tahong | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Recipe: Suam na tahong

Recipe: Suam na tahong

ABS-CBN News

 | 

Updated May 20, 2019 12:16 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nais mo bang magluto ng simple at masustansiyang pagkain ngayong tag-ulan?

Sa malamig at maulan na panahon ay masarap humigop ng malasa at malinamnam na sabaw at tahong.

Bumisita sa "Umagang Kay Ganda" ang guest kusinera na si Jean Almiral upang ibahagi kung paano lutuin ang putaheng suam na tahong.

Ihanda lang ang mga sumusunod na sangkap:

• 1 kilo ng tahong
• 1 piraso ng sibuyas
• 2 tasa ng papaya
• 2 kutsara ng luya
• 2 kutsara ng patis
• 4 tasa ng tubig
• 2 kutsara ng mantika
• Dahon ng sili

ADVERTISEMENT

Narito ang paraan ng pagluluto:

Ibabad ang tahong sa tubig na may asin at tanggalin ang tubig sa pamamagtan ng drain.

Igisa ang bawang, luya, at sibuyas.

Ilagay ang patis at haluin ito.

Ilagay ang tahong at pakuluan ito hanggang sa bumukas ang shell.

Ihalo ang dahon at sili bago ihain.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.