Taxi driver sa Ilocos Norte, nagpakita ng katapatan sa gitna ng pandemiya | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Taxi driver sa Ilocos Norte, nagpakita ng katapatan sa gitna ng pandemiya

Taxi driver sa Ilocos Norte, nagpakita ng katapatan sa gitna ng pandemiya

Grace Alba,

ABS-CBN News

Clipboard

Nagpakita ng katapatan sa gitna ng pandemya ang taxi driver na si Windel Salvador (kanan) sa pagsasauli ng pitaka na naiwan ng kaniyang pasahero na si Aldrin Corpuz (kaliwa). Kuha ni Aldrin Corpuz

Nasubok ang katapatan ng isang taxi driver sa Ilocos Norte sa panahon ngayon ng matinding krisis dala ng coronavirus pandemic, matapos niyang makita ang naiwang pitaka ng kaniyang pasahero.

Huling linggo ng Mayo nang magbalik-pasada ang mga taxi sa Ilocos Norte pero matumal pa ang mga pasahero.

Ang sitwasyong ito ang sumubok sa tiyaga at katapatan ng 21- anyos na taxi driver na si Windel Salvador.

Kwento ni Salvador, naglilinis siya ng kanyang taxi noong isang linggo nang makita niya ang isang wallet sa loob ng sasakyan.

ADVERTISEMENT

"Noong July 1, naglilinis at nagdi-disinfect ko ang aking sasakyan, nagulat ako kasi na may wallet na may ID at pera pero hindi ako nagdalawang-isip na isuko ito sa pulisya," aniya.

Agad niya itong dinala sa Laoag City Police Station at ginamit niya rin ang kanyang Facebook para agad maibalik sa may-ari ang wallet.

"Noong nakunan ko na ng larawan ang kanyang ID ay agad kong ipinost para kung sakaling may nakakakilala sa kanya ay ipagbigay alam nila sa kanya na nasa akin ang kanyang wallet," ani Salvador.

Pag-aari pala ang wallet ni Aldrin Corpuz na taga-San Nicolas, Ilocos Norte.

"May nag-inform po sa nanay ko through text na lost and found ang wallet ko and pagkatapos ko po na-confirm, kasi hindi ko alam agad na nawawala ang wallet ko, tsinek ko muna sa bag ko. And noong na-confirm ko ay dali-dali kaming pumunta sa police station,” ani Corpuz.

ADVERTISEMENT

Labis ang pasasalamat niya kay Salvador.

"Kay Kuya Windel, nagpapasalamat po ako sa kanya ng sobra-sobra at ang aking pamilya dahil sa ginawa niya kasi nga po umiral pa rin ang kabaitan ng kanyang puso," ani Corpuz.

Nasa P4,000 ang laman ng wallet. Mahalaga ito lalu't hindi regular ang trabaho ngayon ni Corpuz bilang food attendant ng isang restaurant. Ipon niya ito para sa pagpapagamot ng sugat sa kanyang binti.

Saludo naman kay Salvador ang kanyang mga kapwa taxi driver.

“Ginawa ko ito kasi sa sitwasyon natin ngayon, may pandemya, alam ko ang hirap na maghanap ng pera pero kahit wala man ito ay hindi ako magdadalawang isip na isauli ang kanyang wallet dahil ayaw ko na kunin ang mga bagay na hindi sa akin," ani Salvador.

ADVERTISEMENT

Tanging si Salvador ang bumubuhay sa kanyang pamilya ngayon dahil abala ang kanyang misis sa pag-aalaga ng kanilang 7 buwang gulang na sanggol.

Umaasa ito na magsilbi siyang inspirasyon ngayong nasa gitna ng krisis ang bansa.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.