Pagkakaroon ng 'tulo', maaaring ikamatay | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pagkakaroon ng 'tulo', maaaring ikamatay

Pagkakaroon ng 'tulo', maaaring ikamatay

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 10, 2017 02:15 PM PHT

Clipboard

Kung dati ay isa lamang simpleng impeksiyon ang gonorrhea o "tulo," ngayon ay maari na itong maging sanhi ng pagkamatay ng isang pasyente.

Ayon kay Dr. Bles Salvador sa kanyang programa sa DZMM, may bagong uri ng gonorrhea na resistant o hindi tinatablan ng antibiotics.

Ang gonorrhea H041 ay isang uri ng gonorrhea kung saan ang bacteria na nagiging sanhi nito ay nagiging immune na sa mga antibiotic.

Ayon kay Salvador, ang gonorrhea ay isang nakakahawang impeksiyon na nakukuha mula sa pakikipagtalik.

ADVERTISEMENT

"Isa pong impeksiyon ito na nakakahawa at ang tinatamaan po nito ay ang malalambot at mamasa masang parte ng katawan, na masasabi natin, sa genitals, sa ari ng babae at lalake, sa daanan ng dumi, sa cervix, at paminsan-minsan, sa mata," paliwanag niya.

Karaniwang lumalabas ang sintomas ng gonorrhea mula dalawa hanggang walong araw matapos makipagtalik.

"Kapag nakipag-sex ka ngayon, makalipas ang dalawa hanggang walong araw, naku meron ka na pong sintomas," ani Salvador.

Ilan sa mga sintomas ng gonorrhea ang masakit na pag-ihi, discharge na parang malabnaw na gatas, at mamuti-muting tila nana (pus) na makikita sa pinakabukana ng ari ng lalaki o babae.

Maari ring maipasa sa sanggol ang impeksiyon sa pamamagitan ng panganganak.

Kung hindi agad maagapan ang sakit ay maari itong maging sanhi ng mas malalang impeksiyon, lalo na sa kababaihan.

"Ang babae naman, 'pag napabayaan ang impeksiyon, aakyat nang aakyat, mula sa kanyang ari, ang impeksiyon papunta sa kanyang cervix, sa loob ng matres, doon sa kanyang fallopian tube, eventually sa kanyang ovary," paliwanag ni Salvador.

Kasalukuyang dumarami ang mga taong nagkakasakit ng gonorrhea, lalo na't mayroong uri nitong halos hindi nagagamot.

Kapag nagpatuloy ang pagkalat ng impeksiyon, maari itong maging sanhi ng septic shock, na maaring magdulot ng pagkamatay.

Sa datos ng World Health Organization, nasa 78 milyong tao sa buong mundo ang may gonorrhea.

Pinakamainam na paraan ng pag-iwas sa gonorrhea ang paggamit ng condom bilang proteksiyon sa pakikipagtalik. Makabubuti rin ang pag-iwas sa pagkakaroon ng multiple sex partners para mabawasan ang pagkalat ng mga sexually transmitted infections (STI).

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.