Korean food, mas healthy nga ba sa pagkaing Pinoy? | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Korean food, mas healthy nga ba sa pagkaing Pinoy?

ABS-CBN News
Published Jul 09, 2017 02:58 AM PHT

Ngayong National Nutrition Month, ipinaalala ng mga eksperto na mahalaga ang balanse na dyeta sa malusog na pangangatawan.

Ayon kay Dr. Adela Ruiz, direktor ng technical committee for nutrition and dietetics education sa Commission on Higher Education, mas malusog ang pagkain ng mga Koreano dahil balanse ang kanilang meals.

“Generally, iyong Korean food lower in fat tapos lagi silang merong gulay kasi every meal meron silang kimchi. At ang kimchi ay nakatutulong sa digestion,” ani Ruiz.

“Kaya lang nga, iyong mga Filipino pwede namang maging healthy, dahil traditionally ang pagkain natin ay hindi laging magkasabay ang prito. Kaya lang ngayon hindi na natin masasabi kasi hindi na lahat ng tao nagkakaroon ng time to prepare their meals.”

ADVERTISEMENT
Ukol naman sa “junk food,” o mga chichirya, wala umanong mga pagkain na nasa ilalim ng kategoryang ito.

“Actually, wala talagang junk food, [mayroong] junk diets kasi ang diet ay food and drink regularly consumed by the population or by an individual. Iyong totality ang titignan natin,” ani Ruiz.

Dagdag pa niya, mayroong nutrient-poor na pagkain ngunit maaari naman itong isama sa mga nutrient-dense na pagkain para sa isang balanseng diet.

“Pwede naman siyang gamitin nang hindi siya iyong majority o main food ng bata. In fact, pwede siyang isama sa pagkain to add crunch, flavor doon sa mga pagkain na hindi masyado malasa. Kasi makakadagdag iyon sa appreciation ng pagkain,” ani Ruiz.

Sinang-ayunan naman ito ng abugadong si Ricky Salvador, spokesperson ng Philippine Chamber of Food Manufacturers Inc.

“Sa amin po, wala naman talagang hindi healthy na pagkain. We don’t want to put a label on food na junk food. Kasi kahit na anong pagkain ay mayroong nutrition kahit papaano, may calories iyan na nagbibigay ng energy,” ani Salvador.

Nitong nakaraang buwan, naglabas ang Department of Education ng isang patakaran na hindi na maaaring magtinda ang school canteens ng soft drinks, sports-water products containing caffeine, ice cream, cakes, donuts, fries, instant noodles, chicken skin, bacon, junk food and canned fruits in heavy syrup.

Samantala, maaari silang magtinda ng fruit juices, fried rice, bread using refined flour, biscuits, pancakes, sandwiches, processed food, and stir-fried vegetables pero dapat maging maingat sa paghahain ng mga ito.

Dapat namang magtinda ang school canteens ng unsweetened milk, unsweetened buko juice, water, rice, chicken, lean meat, fish, and fresh fruits.