SILIPIN: Indoor zoo sa Pasig | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

SILIPIN: Indoor zoo sa Pasig

SILIPIN: Indoor zoo sa Pasig

ABS-CBN News

Clipboard

Dinarayo ng animal lovers ang isang indoor zoo sa Pasig City na nagsisilbing kanlungan ng mga hayop na galing pa mula sa iba't ibang panig ng mundo.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Binisita nitong Huwebes ng "Umagang Kay Ganda" ang Ark Avilon Zoo, ang indoor version ng sikat na Avilon Zoo sa Rodriguez, Rizal.

Hango ang pangalan ng zoo mula sa kuwentong Bibliya hinggil sa arka ni Noah, na inutusan ng Diyos na itipon ang mga hayop ng mundo para maligtas mula sa bahang bubuwag sa sibilisasyon.

Tapat sa kuwento, arka rin ang disenyo ng dalawang palapag na gusaling zoo.

ADVERTISEMENT

"Mayroon tayong 100 kinds of animals dito. So 'yong mga animals namin dito, 'yon 'yong usual na 'di nakikita sa ibang zoo," sabi ni Anthony Saberon, tour and events coordinator ng zoo.

Isa sa mga pinakabagong pang-akit na hayop ng zoo ay ang capybara, ang pinakamalaking specie ng rodent o daga mula South America.

Makikita rin sa zoo ang iba pang hayop gaya ng meerkat, white tiger, bengal tiger, at sun bear o iyong pinakamaliit ng species ng oso sa buong mundo.

Mayroon ding Philippine saltwater crocodile at arapaima, na mula sa Amazon Basin at isa sa pinakamalaking freshwater fish sa buong mundo.

--May ulat ni Gretchen Ho, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.