Dating tindero ng sweepstakes at sampaguita, asensadong negosyante na sa UK | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Dating tindero ng sweepstakes at sampaguita, asensadong negosyante na sa UK

TFC News
Published Jun 30, 2023 02:18 AM PHT
|
Updated Jul 01, 2023 12:52 PM PHT

LONDON - Binuksan ni John Belmonte ang kanyang tahanan sa London kay Europe, Middle East and Africa News Bureau Chief Rose Eclarinal para sa programang Juan Home na ipinalabas sa The Filipino Channel nitong Marso.

Dito niya ibinahagi ang kanyang success story mula sa pagiging isang sampaguita at sweepstakes vendor noong kabataan niya sa Batangas, hanggang sa maging isang beteranong nurse na siyang nagbukas ng mas marami at malaking oportunidad sa kanya.

“Before kasi syempre kung street boy ka kahit anong mangyari: anything goes, so sabi ko I want to earn my own money so nagtinda ako ng ticket ng sweepstakes when I was 10 years old,” pagbabahagi ng 49-anyos na si John Belmonte sa panayam kay Eclarinal.

Pag-aari lang naman ni John ngayon ang apat na Pinoy restaurant sa London, isang grocery store at isang agency na nagsu-supply ng mga nurse sa may 400 pribadong ospital sa UK.

May bago rin siyang project na Japanese takeaway restaurant sa Willesden. Ayon kay John, ang isa sa pinakamabigat na pangyayari sa buhay niya noon ay nang maghiwalay ang kanyang mga magulang.

Kahit pa may pera ang kanyang ama na mula sa Belmonte political clan ng Quezon City, dumaan siya sa maraming hamon at pagsubok.

"Life was very difficult for me in a sense that yung parents ko separated when I was young. So my mom was trying to bring us up on her own. Napag-aral nya kaming lahat, so of course maraming struggle and those struggles taught us to fight in life and make the most of what we have and trying to be successful,” kuwento ni John.

Pero sa kabila nito, ang pagiging produkto ng broken family ang nagtulak kay John para magsumikap na magkaroon ng magandang buhay.

“Yun ang nag-inspire sa akin to have a better life and build a better family. So buo kami and I can provide for my family the best I can,“ sabi ni John, may asawa at dalawang anak.

Nursing Journey
At sa mga pinagdaanan niya, ang mga hamon ng pag-aaral para maging nurse. Bagamat mahirap noon, tinatawanan na lang niya ito ngayon.

“Kasi nandun ang mom she’s waiting for me and yung isang pamangkin ko, he’s waiting for me as well. So I have to go to the market to buy some food for us para i-prepare ko kasi they were waiting for me for the dinner. So I have to go back to cook the dinner for them all,” sabi ni John.

Sa mga proyekto sa eskuwelahan, ang paraan niya para makabili ng mga gamit ay ang pag tulong sa mga kaklase na gumawa ng project at humingi ng bayad. Hinding-hindi raw niya ipagpapalit ang karasanan niya noong 10 taong gulang pa lang siya at kumikita na ng sarili niyang pera.

“Nagtinda rin ako ng sampaguita, nagtinda ako ng ilang-ilang sa jeepney drivers, along with my friends that time, so kasi 'yun ang ginagawa nila. So I was earning may own money at 10.” saad ni John.

Hindi niya ito ipinaalam sa kanyang ina dahil alam niyang hindi niya ito magugustuhan. Subalit aminado siyang ang kanyang pagiging negosyante noong bata pa lang ay minana niya sa kanyang business-minded na nanay.

Nais talagang mag-abroad ni John kaya siya nag-aral ng nursing. Una siyang nagtrabaho sa Singapore bago nagkaroon ng oportunidad sa Ireland at saka sa London, UK kung saan pumasok siya sa National Health Service o NHS.

Ngunit, hindi rin naman iyon instant success, ayon pa kay John.

“When I went to Ireland although it was really difficult, kasi syempre bago ka sa bansa na ‘to, dito sa UK, and then you will have to find your way to get to the point where you want to is difficult in so many aspects na I have to find a way to bring my family as soon as possible so we can be together, and then financial problems kasi kinakailangan mong magbayad nito, magbayad non,i-settle ito at tsaka ‘yan, and of course hindi mo pa alam kung paano i-manage yung finances mo dito, you use credit card left and right and naa-out of control ka ‘diba?"
Hanggang may panahon umano na halos wala nang naiiwan sa kanyang bulsa.
"To the point na even ang one pound ay pinoproblema ko, na kinakailangan kong hanapin yung one pound, maghalungkat sa bahay at makakita ako ng one pound for me to be able to buy something that I want. That’s how difficult life was when I got to Ireland,” kuwento niya.

Sa kabila ng mga balakid na hinarap niya, hindi sumuko si John. Sa London, ibinuhos niya ang panahon sa propesyon at pag-aaral.

“So ginawa ko yung lahat ng pwede kong gawin to be able to be a better nurse at ma-provide ko yung dapat kong i-provide na ine- expect sa akin,” pagpapatuloy ni John.

From Nurse to Businessman
Taong 2008 nang tuluyang nagbukas ang isang oportunidad kay John para tuluyang mabago ang kanyang buhay. Ito ay nang malaman niya ang tungkol sa pagkakaroon ng isang agency para sa mga nurse na ini-endorso sa mga ospital sa UK. “I learned na meron palang agency job. So I started to do agency. I work every single time and then to the point na nakita ko na “wow!” sabi ni John.

"Kilala na pala ako ng maraming ospital and surgeons, they are demanding na they want me to work for them.So now dahil natutunan ko nung specialty skills na ine-expect sa akin ng mga tao and I always give my hundred percent, my whole heart sa trabaho na ginagawa ko.Then that’s where my journey of becoming a known agency nurse sa iba-ibang mga hospitals,” kuwento niya.

Dahil sa agency job, naididikta niya ang sweldong gusto niya sa mga ospital o doctor na kinukuha ang kanyang serbisyo.

Ito rin ang naging daan para makapag-ipon siya hanggang sa magkaroon na ng sapat na puhunan para magtatag ng sariling nursing agency. “I have my nursing agency which is called Comfort Healthcare Services. I started it back in 2013. So I started with just myself and now we have lots of nurses working for us all over the UK, and we are supplying nurses to more than 400 private hospitals,” paliwanag niya.

Nurse- Restaurateur
Ngunit, hindi sa nursing agency natapos ang pakikipagsapalaran ni John, kasama ang kanyang misis na si Glyn, para maabot ang pangarap na magandang buhay. Nagbukas din sila ng Filipino restaurant na Spoon and Rice, na ngayon ay may apat na branches na sa London.

Hindi nagtagal, nagkaroon din sila ng isang malaking grocery store kung saan mabibili ng mga Pinoy sa London ang mga nami-miss na nilang mga produkto mula sa Pilipinas.

“We also support other Filipino suppliers as well, we encourage them to display their products here so that mag-grow din sila along with us.” dagdag ni John.

Para kay John, ang pagbubukas sa kanya ng mga magagandang oportunidad sa buhay ay hindi dahilan para sarilinin niya.bagkus, dapat itong ibahagi sa iba.

“Mabait si Kuya John. Lahat ng kailangan ng staff binibigay sa staff. Pagdating naman sa work naman, lahat ng kailangan namin sa work, support silang lahat sa amin," kuwento ni Mark Aricheta na staff ni John sa Spoon and Rice.

Paalala lang niya, kapag dumating ang oportunidad, kailangan ay handa ka.
Paalala lang niya, kapag dumating ang oportunidad, kailangan ay handa ka.
ADVERTISEMENT
“I always believe, opportunity is only for the people who are ready. Kaya kung ready ka na and then the opportunity knocks, and then that’s yours. Kaysa kung kelan may opportunity tsaka ka pa lang magpe-prepare, you will miss the opportunity. So ako before pa dumating ang opportunity for America or UK, all my documents naka-ready na sila,” saad ni John.

God and Family
Sa gitna ng kanyang naging tagumpay sa London at hamon na pinagdaanan sa buhay, kasama ang paghihiwalay ng kanyang mga magulang, nagawa na ba niyang mapatawad?

“Oh yes, yes. My dad, I’ve been visiting my dad. Every time I got a chance to get to the Philippines I visit them.Hindi naman ako pwedeng mabuhay nang hatred and bitterness to my father kasi he must have his own reason doing things ‘di ba? So what can I do? I have to better myself. So I took that as my stepping stone for me to be able to get to where I am now,” ayon kay John.

Sa lahat ng kanyang dinanas sa buhay, isa lang ang naging sandigan ni John: ang kanyang pananalig sa Diyos. Kasama rin daw ang pagkakaroon ng asawa ng ka-team work niya.

“Do not forget where you came from and always believe that there is God. You pray. Meron laging stronger being than us that would probably guide you, that will guide and will lead you to where you want to go. So ‘wag mong kalimutan na magdasal at ibalik mo yung ibinibigay sayo,” pagtatapos ni John.

Para sa mga karagdagang kwento ni John, ang house tour na ibinigay niya sa Juan Home at ang kanyang passion at pagtulong, panoorin ang episode sa pag-click ng link sa ibaba:
Read More:
TFC News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT