Mga miyembro, taga-suporta ng LGBT community, rumampa sa 2018 Pride March | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga miyembro, taga-suporta ng LGBT community, rumampa sa 2018 Pride March

Mga miyembro, taga-suporta ng LGBT community, rumampa sa 2018 Pride March

ABS-CBN News

Clipboard

Ngayong Sabado ang huling araw ng Gay Pride month kaya naman dumagsa sa lungsod ng Marikina ang iba't ibang samahan para makilahok sa Metro Manila Gay Pride March and Festival.

Masaya at makulay ang araw na ito para sa mga gaya nina Vincent Fortez at Lorenzo Jacinto para ipagdiwang ang kanilang pamumuhay.

Anila, unti-unti ay namumulat na ang maraming Pilipino sa pagtanggap sa kanila bilang miyembro ng lesbians, gays, transgender, and bisexuals (LGBT) community.

"Noong una takot pa ko lumantad pero ngayon masaya na ako dahil may ganito nang mga event na tanggap na kami," ani Jacinto.

ADVERTISEMENT

"Nakakatuwa na may mga ganito na paraan para i-celebrate ang LGBT communites," ayon naman kay Fortez.

Pero sa labas ng Marikina Sports Complex, mayroon pa ding ibang grupo ang tumutuligsa at hindi kumikilala sa mga gaya nina Fortez at Jacinto, at itinuturing na kasalanan ang pagiging miyembro ng LGBT community.

Kaugnay nito, naglabas ang Social Weather Station (SWS) ng survey na 61 porsiyento ng mga Pinoy ay hindi sang-ayon sa same sex marriage at 22 porsiyento lamang ang sumusuporta dito.

Sa unang quarter ng 2018 isinagawa ang naturang survey ng SWS.

Malayo pa man na mangyari ang same sex marriage sa bansa, masaya pa rin si Apu Aduman Aghama dahil sa pagsisikap umano ng mga mambabatas ay naiusad ang mga panukalang batas na magbibigay ng proyeksiyon sa mga miyembro ng LGBT community.

"Kahit paano 'yung anti-discriminatio ay ipinapanaukala sa Kongreso at sana pumasa ito," ani Aghama

Hiling lang ng marami sa kanila, sana ay respetuhin at unawain ng mga kapwa-Pinoy ang kanilang nais tahaking pamumuhay.

--Ulat ni Abner Mercado, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.