Pinoy banana abaca fiber apparel ibinida sa Russia | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pinoy banana abaca fiber apparel ibinida sa Russia

Niel Caburnay Tero,
ABS-CBN News
Published Jun 29, 2019 08:12 AM PHT

MOSCOW – Ibinida ng Russians at nag-iisang Pinay model ang mga handwoven formal dresses ng seasoned international designer na si Ditta Sandico sa Fiesta Filipiniana diplomatic reception sa Russia.
Ipinagmalaki ng batikang fashion designer ang kaniyang makulay na wrap collection na gawa sa “banaca” o banana abaca fiber.

“I think it’s really the fabric because we have always been working with banaca fabric for so long, since 20 years ago. It’s a totally different fabric that we would like to showcase to the world (because) it's very original,” sabi ni Sandico.
Layunin ni Sandico na i-promote ang Philippine textile at kulturang Pilipino para maipakilala sa mga Russian at ibang lahi ang Philippine fashion na bahagi ng cultural cooperation ng 2 bansa.
"Maganda ang kanilang ninanais para sa atin. 'Yong ating mga produkto ay sobrang na-appreciate hindi lang sa pag-design kung hindi sa mga texture ng mga fabric. Sana’y tuloy-tuloy tayo makinabang at paggawa ng mga produktong ito para sa ikauunlad nating lahat," dagdag ni Sandico.

Isang magandang inisyatibo ng embahada sa Russia sa pangunguna ni Ambassador Carlos Sorreta ang pagpapakilala sa tradisyunal na mga kasuotan at habing tela na gawa sa mga indigenous na materyales.
Bukod sa mga makukulay na damit ay tampok din ang mga accessories gaya ng mga sombrero at handicraft bags na gawa sa Pilipinas.
Isang malaking karangalan naman para sa nag-iisang Pinay na makasama at makipagsabayan sa mga professional Russian models.
"Sobrang saya at nakaka-proud kasi napili ako ng sikat na designer na isa sa rarampa sa fashion show,” saad ni Mira Lee.

Dumalo ang ilang ASEAN diplomats at ilang mga Russo sa fashion show at namangha sa mga kasuotan at accessories na likha ni Sandico.
"I have to congratulate Ambassador Sorreta for a wonderful reception today. It reminded me of our good times when we were in the Philippines for the last three years. Our best regards to our Philippine friends," sabi ni Thai ambassador Thanatip Upatising.
"Tonight is very impressive especially the performance was really good and also the fashion show. Everyone is enjoying and I really like the Filipino cuisine especially the banana 'turon,'" dadag naman ni Monthip Upatising, asawa ng Thai ambassador.
Patuloy na ibinabandila ng mga Pinoy fashion designers gaya ni Sandico ang mayaman at makukulay na tradisyon ng mga Pilipino na talaga namang world-class.