RECIPE: Tokwa Sisig | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

RECIPE: Tokwa Sisig

RECIPE: Tokwa Sisig

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nais mo bang magluto ng sisig na bukod sa mas pinasarap ay mas pinagaan pa sa bulsa?

Maaari mong subukan ang maghain ng tokwa sisig.

Bumisita sa programang "Umagang Kay Ganda" nitong Miyerkoles ang guest kusinero na si Niño Moreno upang ibahagi ang pagluluto ng nasabing putahe.

Ihanda lamang ang mga sumusunod na sangkap:

• 9 piraso ng tokwa
• 6 kutsara ng mayonnaise
• 4 kutsara ng oyster sauce
• Paminta
• 4-5 piraso ng kalamansi
• 1 piraso ng sibuyas
• 5 butil ng bawang
• 2-3 piraso ng siling pang-sigang
• 1 piraso ng bell pepper

ADVERTISEMENT

Narito ang paraan ng pagluluto:

Igisa ang bawang, sibuyas, siling pang-sigang, at bell pepper.

Iprito ang hiniwang tokwa hanggang sa maging golden brown ang kulay nito, hanguin, at itabi.

Sa isang bowl, paghalu-haluin ang mayonnaise, oyster sauce, paminta, at kalamansi.

Ilagay at ihalo ang tokwa sa bowl. Maaari na itong ihain.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.