Kakaibang library sa Davao City, itinayo ng isang 15-anyos na estudyante | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kakaibang library sa Davao City, itinayo ng isang 15-anyos na estudyante

Kakaibang library sa Davao City, itinayo ng isang 15-anyos na estudyante

ABS-CBN News

Clipboard

DAVAO CITY—Atraksiyon ng kabataan ang isang kakaibang mini-library na itinayo ng isang 15-anyos na estudyante sa Agdao sa lungsod na ito.

Dalawang linggo pa lang naitayo ni Enzo Puentespina sa isang kalye sa Barangay Wilfredo Aquino ang nasabing library pero dinudumog na ng maraming bata ito.

Gawa sa pinagtagpi-tagpi na tray ng prutas at gulay, tinawag ni Puentespina ang mini-library na "Lib of Positivity."

"Nag-isip kami na gamitin ito para ma-help ang community so we (with my parents) ended up thinking of a project as library so that we can help the community. I didn't expect this thing to grow fast," ani Puentespina.

ADVERTISEMENT

Tumulong ang kaniyang mga magulang na maitayo ang library at mapuno ito ng mga libro na tungkol sa iba't ibang suheto, katulad ng English, math, science, physical education, at Christian living.

Ayon kay Puentespina, pinaglumaan na niya ang ibang aklat na nasa library pero makatutulong pa ang mga ito ng malaki sa mga bata.

Dagdag pa niya, bukas ng 24/7 ang kaniyang silid-aklatan.

Isa sa mga pumupunta sa nasabing mini-library ang Grade 8 na estudyante na si Vennice Masiga. Gusto aniya na madagdagan pa ang natututunan sa pag-aaral kaya kumuha siya ng libro sa agham mula dito.

"Makakatulong po ito sa aming pag-aaral (at) magagamit ito kung may assignment at study," ani Masiga.

Natuwa naman si Puentespina sa nakikita niyang resulta ng pagpapatayo niya ng nasabing library.

"(I'm) really happy of waking up, going outside, and see all these kids reading my books. I see the smile on their faces (and) it really makes my day," nakangiting sinabi ng estudyante.—Ulat ni Paul Palacio, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.