President-elect Marcos, binati ng mga anak ngayong Father's Day | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

President-elect Marcos, binati ng mga anak ngayong Father's Day

President-elect Marcos, binati ng mga anak ngayong Father's Day

ABS-CBN News

Clipboard

Binati nina Sandro, Simon, at Vinny Marcos ang ama nilang si President-elect Bongbong Marcos ngayong Araw ng mga Ama, Hunyo 19, 2022. Screengrab: Bongbong Marcos/ YouTube
Binati nina Sandro, Simon, at Vinny Marcos ang ama nilang si President-elect Bongbong Marcos ngayong Araw ng mga Ama, Hunyo 19, 2022. Screengrab: Bongbong Marcos/ YouTube

Ngayong Father’s Day, binati si President-elect Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ng kaniyang mga anak.

Sa 3-minutong video na inupload sa Youtube account ni Marcos, ikinuwento ng kanyang 3 anak kung sino siya bilang kanilang “Paps."

Kuwento ni Congressman-elect Sandro Marcos, ang best advice daw ng kanyang ama—bawal ang pikon.

Aniya, tinuturuan sila ng kanyang ama na mag-focus at matutong iprayoridad ang mga mas importanteng bagay.

ADVERTISEMENT

Kuwento naman ni Simon, turo sa kanya ng ama na maging objective at iwasang maging emosyonal.

Dagdag pa niya, pinayuhan daw siya ni Marcos na huwag gumawa ng desisyon kapag galit, masaya o malungkot.

Sabi naman ng bunsong si Vinny, pinakapaborito raw niya na turo ng kanyang ama ay huwag magagalit kaninuman, kahit pa sa mga kritiko pa.

Dagdag pa ni Sandro, nais niyang tularan ang pagiging optimistic ng kanyang ama.

“He has always looked at the brighter side of life. He has always looked for the good in people and I think that is definitely an important facet of being a public servant and I hope to emulate that in my own brand of public service," ayon kay Sandro.

ADVERTISEMENT

Nangako naman ng suporta si Simon sa ama na ngayon anya na “Paps” na ng bansa ang kanyang tatay.

Sabi ni Simon, “We will be with you every step of the way. Will all be here for you. Good luck.”

Si Vinny naman, nagpasalamat dahil lagi anyang may oras ang kanilang padre de pamilya sa kanila.

Giit pa ni Vinny, “I will be grateful for having such a great father. The Filipino people are lucky to have you as the new president. Excited to see your plans and all the help you wanted to finally come into action."

Nakatakda ang inauguration ni Marcos bilang ika-17 pangulo ng Pilipinas ngayong Hunyo 30 sa National Museum.

ADVERTISEMENT

Ngayong Linggo naman ang inauguration ng kaniyang running mate na si Vice President-elect Sara Duterte bilang pangalawang pangulo ng bansa sa Davao City.

—Ulat ni Robert Mano

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.