Dating 'sidekick' na si Boy Alano, sasailalim sa gamutan sa depresyon | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Dating 'sidekick' na si Boy Alano, sasailalim sa gamutan sa depresyon

Dating 'sidekick' na si Boy Alano, sasailalim sa gamutan sa depresyon

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 21, 2018 06:13 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nakatakdang dumaan sa gamutan para sa mild depression ang dating aktor na si Hernando "Boy" Alano.

Ito ay matapos ang ginawang pagsusuri kay Alano kung saan napag-alamang dumaranas siya ng mild depression bunsod ng problema sa pamilya.

Sinasabing nag-ugat ang problema niya sa pamilya dahil sa pagkalulong ni Alano sa alak.

"Makikita na depressed si Mang Boy, [at] ang epekto ng depresyong ito [ay] pag-inom,” ani Dra. Ma. Bernadette Manalo, isang psychiatrist.

ADVERTISEMENT

"Naging asawa niya ang alak, kaya kailangan siyang ipasok sa treatment facility," dagdag ni Manalo.

Bukas-palad namang tinanggap si Alano ng isang treatment facility center kung saan mananatili ang dating aktor ng tatlong buwan upang malagpasan ang bisyo sa pag-inom ng alak.

Base rin sa ginawang general check-up ay napag-alaman na malnourished si Alano.

Nagbigay na ng tulong ang Department of Social and Welfare Development (DSWD) at maging ang ilan sa naging kasamahan nito sa industriya.

Kamakailan ay naging usap-usapan sa social media ang retrato ni Alano na pakalat-kalat at sa garahe na umano natutulog.

Mas nakilala si Alano nang maging sidekick ito ng mga sikat na artista tulad nina Dolphy, German Moreno, Eddie Gutierrez, Gloria Romero, Vilma Santos, Fernando Poe Jr. at marami pang iba.

Para sa ibang detalye ng kuwento ni Alano, sundan ang Mission Possible sa Facebook, Instagram at Twitter.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.