Nanay na street sweeper, nagtapos sa kolehiyo sa Batangas | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Nanay na street sweeper, nagtapos sa kolehiyo sa Batangas

Nanay na street sweeper, nagtapos sa kolehiyo sa Batangas

April Magpantay,

ABS-CBN News

Clipboard

Pinagsabay ni Ofelia Mondaya ang pagtatrabaho bilang street sweeper at pag-aaral sa kolehiyo. Mga larawan mula kay Crizel Mondaya.

BATANGAS CITY -- Ipinagmamalaki ng pamilya niya si Ofelia Mondaya nang makapagtapos sa kursong Business Administration sa Batangas City.

Isang street sweeper ang 55 anyos na si Ofelia. Madalas siyang nakikita sa mga lansangan sa Barangay Poblacion sa Batangas City.

Patuloy ang kaniyang pagtatrabaho sa kabila ng banta ng COVID-19. Bukod sa pagiging frontliner, hinahangaan rin siya ng marami dahil napagsabay niya ang pagtatrabaho para sa pamilya at pag-aaral sa loob ng apat na taon.

Isa siya sa nagtapos sa Colegio ng Lungsod ng Batangas sa kursong Business Administration.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Ofelia, pangarap niyang makapagtapos ng kolehiyo sa kabila ng kanilang kahirapan.

Bago makapagkolehiyo, nag-aral muna si Ofelia sa alternative learning system ng Department of Education noong 2014. Nakapasa ito kaya binigyan ng scholarship ng lokal na pamahalaan ng Batangas City sa Colegio ng Lungsod ng Batangas.

Tinulungan din si Ofelia ng kaniyang supervisor para maayos ang oras ng kaniyang pagpasok sa trabaho para hindi maging hadlang sa kaniyang pag-aaral.

Inspirasyon ngayon ng marami si Ofelia, lalo na ng anak na si Crizel na testigo sa tiyaga at dedikasyon ng ina.

“Sobrang pinagtiyagaan niya talaga. Halos sa madaling araw umaalis siya, magtatrabaho, magwawalis tapos uuwi siya ng umaga na, maliwanag na. Tapos mag-aaral siya kasi marami siyang assignment," kuwento niya.

ADVERTISEMENT

Wala mang naganap na graduation ceremony dahil sa pandemya, masaya ang pitong anak ni Ofelia sa pagtatapos niya.

Anila, hindi man sila nakapagkolehiyo, tinupad naman ng kanilang ina ang pangarap nilang makapagtapos.

“Proud na proud kami sa kaniya. Hindi man kami nakapagtapos, katulad ng kanyang pinapangarap sa amin, masaya kami kasi siya 'yung halos tumupad na rin ng pangarap namin," ani Crizel.

“Huwag na po nating hintayin na tayo ay magkaedad pa o maging matanda bago mag-aral… Kailangan po talaga maging positibo tayo sa buhay at gawin po natin 'yung tama at alam natin na makakatulong sa atin. Ganoon din po sa ating kapwa," ani Ofelia.

Job order employee sa city hall si Ofelia, kaya gagamitin umano niya ang diploma para makapag-apply bilang regular na empleyado para maipagpatuloy ang pagiging lingkod-bayan.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.