RECIPE: Lumpiang Ubod | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

RECIPE: Lumpiang Ubod

RECIPE: Lumpiang Ubod

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Tuwing malamig ang panahon, kinahihiligan ng mga Pinoy ang kumain nang kumain.

Isa sa mga puwedeng ihain ay ang Lumpiang Ubod na siguradong swak sa panlasa ng pamilya at masustansiya pa.

Muling bumisita sa programang "Umagang Kay Ganda" nitong Huwebes si Chef Thess Brigole upang ituro ang pagluluto ng nasabing putahe.

Ihanda lamang ang mga sumusunod na sangkap:

• 1 tinadtad na bawang
• 1 tinadtad na sibuyas
• 1 tasa ng pork giniling
• 1/2 tasa ng hiniwang hipon
• 4 na tasa ng strip ubod
• 1/2 tasa ng brown sugar
• Oyster sauce
• Tubig
• 4 na kutsara ng toyo
• 1/4 tasa ng brown sugar
• 3 kutsara ng cornstarch na tinunaw sa tubig
• 2 shrimp cubes
• Lumpia wrapper
• Wax wrapper o plastic
• Spring onion

ADVERTISEMENT

Narito ang paraan ng pagluluto:

Ilagay ang pork giniling sa kawali at lagyan ng kaunting tubig.

Hayaang matunaw nang kaunti at magmantika ang taba bago haluin.

Kapag naging light brown na ang giniling, hanguin muna.

Igisa ang bawang at sibuyas at ilagay muli ang giniling.

Isama ang hipon, ubod, oyster sauce, at brown sugar.

Lagyan ng tubig at hayaang kumulo sa loob ng 10 hanggang 15 minuto.

Matapos kumulo ay hanguin muna at hayaang lumamig.

Ang natirang sabaw sa kawali ay gamitin sa paglusaw ng cornstarch.

Ilagay ang brown sugar at bawang.

Maglagay sa ilalim ng wax paper o plastic at lumpia wrapper.

Maglagay ng kaunting ginisa na ubod at lagyan ng sauce at irolyo.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.