National Artist Ricky Lee, may payo sa mga aspiring writers | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

National Artist Ricky Lee, may payo sa mga aspiring writers

National Artist Ricky Lee, may payo sa mga aspiring writers

Josiah Antonio,

ABS-CBN News

Clipboard

File photo
File photo.

MAYNILA — May payo ang kakahirang lang na National Artist for Literature na si Ricky Lee nitong para sa mga aspiring writer.

Sa panayam ni Lee sa ABS-CBN Teleradyo, payo ng screenwriter laging hugutin sa karanasan ng sarili on ng iba ang mga kwentong nais ibahagi.

"Pwedeng na-experience, pwedeng hindi. Ang magandang na-experience mo sana ‘yung emosyon …kasi marami akong nakakwentuhan, marami akong na-obserbahan, marami akong kaibigang nakaranas nun so alam ko ‘yung damdamin nun," saad ni Lee sa ABS-CBN Teleradyo.

Ayon kay Lee, susi sa epektibong kwento ang masusing research at pagkausap sa mga taong nakaranas ng isyung nais italakay pati na rin mga kakilala sa buhay.

ADVERTISEMENT

Isang halimbawa ng alagad ng sining ang kanyang pelikulang "Moral" noong 1982 kasama si Marilou Diaz-Abaya. Aniya, hinalaw niya ang kwentong binigyang buhay nina Lorna Tolentino, Gina Alajar, Sandy Andolong at Anna Marin sa kanyang research at karanasan ng mga babae niyang kaibigan.

"Nag-research ako nang nag-research nun, nag-interview ako ng mga babae and then binase ko roon sa mga kwento ng mga kaibigan kong babae, pinag-combine combine ko. In a way naranasan ko kasi nakita ko at naging kaibigan ko sila," aniya.

Payo niya rin ihalaw lamang sa imahe ng iba at huwag gayahin ang likha ng ibang artists. Aniya, susi ito upang makilala pa rin ang authentic na sarili sa mga likhang sining.

"Huwag niyong aambisyunin na maging isang Ricky Lee kasi iisa lang ang Ricky Lee, iisa lang ang Winnie Cordero, iisa lang ang May Ceniza pero makinig kayo sa amin, ma-inspire kayo sa mga ikukwento sa ’min, magse-share kami ng maise-share sa inyo pero be the best that you can be as ikaw, bilang ikaw," ani Lee.

"You will be the best you kung sino ka man. Kaya ka nila pakikinggan sa kwento mo dahil kwento mo ‘yon, hindi ‘yun kwentong ginaya mo kay Ricky Lee o kung kanino pa man. Hanapin mo ‘yung sarili mong boses and hayaan mo kaming matulungan ka namin at ma-inspire ka namin pero magkwento ka sa sarili mong boses bilang ikaw," dagdag pa niya.

ADVERTISEMENT

Payo rin ni Lee, gawin pokus kung paano magiging epektibo ang inyong kwento sa madla at consolation na lang ang mga parangal na matatanggap.

"‘Yung awards parang masarap sa pakiramdam pero parang bonus na lang ‘yun eh. Hindi ako nagsusulat para magka-award; parang bonus na lang ‘yung eh. Siguro, I could hope for it pero huwag akong mag-expect, pagbubutihan ko na lang gawa ko."

Kilala si Lee sa kanyang mga pelikula tulad ng "Himala," "Sa Kuko ng Agila," "Anak," "Madrasta" at marami pang iba at nakakuha rin siya ng mga parangal mula sa Gawad Urian, PMPC at iba pang award-giving body.

Kilala rin siya sa kanyang nobelang pinamagatang "Para kay B" na aniya'y magkakaroon ng kasunod na nobela ngayong 2022.

KAUGNAY NA ULAT:

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.