Dine-in sa mga kainan puwede na ulit simula Lunes | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Dine-in sa mga kainan puwede na ulit simula Lunes

Dine-in sa mga kainan puwede na ulit simula Lunes

Abner Mercado,

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Tatlong buwan nang sarado ang restaurant ng chef na si Tatung Sarthou sa Tomas Morato, Quezon City matapos mag-lockdown ang ilang bahagi ng bansa para makontrol ang pagkalat ng COVID-19.

Simula Lunes, sa pahintulot ng gobyerno, maaari nang magbukas at tumanggap ng mga dine-in customer ang mga restaurant at fast food establishment.

Pero nag-aalinlangan si Sarthou at kailangan muna raw niyang timbangin ang takbo ng negosyo.

Inihahanda na rin ni Sarthou ang magiging ayos ng kanilang restaurant alinsunod sa panuntunan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases.

ADVERTISEMENT

Magandang balita naman umano para kay Rustica Alano na maaari nang tumanggap ng dine-in customers ang kaniyang karinderya sa Quezon City.

Naglagay na siya ng marka sa mga upuan para malimita ang uupuan ng mga kakain.

"Malaking bagay talaga... kasi kahit papaano mas marami nang makakapasok at kumain sa amin, 'di gaya ng dati na take-out lang," ani Alano.

"Dapat mayroon kaming alcohol at hand sanitzer para kahit paano sigurado kami na ligtas pa din kami sa virus," ani Alano.

Simula Hunyo 15, bibigyan naman ng Department of Tourism (DOT) ng pahintulot ang mga restaurant sa mga hotel na tumanggap ng dine-in customers pero hanggang 30 porsiyento seating capacity lamang.

ADVERTISEMENT

Dapat din masunod ang social distancing at iba pang safety protocol sa mga restaurant ng mga hotel.

Kailangan lang umano ng mga hotel na mag-apply ng accreditation sa DOT.

Tiwala umano si Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na makababawi din ang industriya mula sa pagkalugi sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos para matiyak ang kalusugan at kaligtasan ng mga empleyado at mga kostumer.

-- Ulat ni Abner Mercado, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.